KUNG ang usapan ay balikang Kylie Verzosa at Jake Cuenca, tila malabo pa sa tinta ng pusit na mangyari ito batay sa sinabi ni Kylie. Hindi raw sila nag-uusap.
Focus daw muna siya sa work and career. Pero aminado siyang hindi madali para sa kanyang maghilom ang sugat na dulot ng break up nila ni Jake.
“Take it a day at a time. Time will heal all wounds. Nagpapasalamat talaga ako sa lahat ng nangyari,” ani Kylie.
Hindi sinasara ni Kylie ang posibilidad na umibig siya muli pero sa ngayon, no lovelife.
“Sabi ko sa sarili ko, pahinga muna ang puso. Work muna,” dagdag na say pa ni Kylie.
DIREK LOUIE IGNACIO NANUHOG NG AWARD SA HOUSTON INTL FILMFEST
Dalawang Best Picture awards ang nakopo ng magaling na direktor na si direk Louie Ignacio sa nakaraang Houston International Film Festival sa Texas, USA na ginanap nitong April 20 to 24.
Bihirang pagkakataong kapwa nanalo ng best picture for drama and comedy category sa awards night ang mga lahok na pelikula tulad na lang ng kay direk Louie kung saan ay sinabak niya sa filmfest ang 2 sa kanyang obra maestra — Ang Huling Ulan sa Tag-araw nina Ken Chan at Rita Daniella na nanalo bilang best picture in romantic comedy category, at Broken Blooms naman nina Jeric Gonzales at Theresa Malvar na nasungkit ang best picture awards for drama category.
Bukod sa mga awards ay nagpataba rin ng puso ang mga palakpakan at papuring binigay kay direk Louie. Personal na tinanggap ni direk Louie ang kanyang mga napanalunan awards.
Sinadya talaga ni direk na lumipad patungong Houston, Texas para sa naturang event. Ppp “Mr. J. Hunter Todd, founder and festival⁰ director, personally handed the awards for both films to me,” ang dagdag na say pa rin ni direk Louie.
ZANJOE MARUDO, SINGLE AND AVAILABLE AT 39
HALOS lahat ng kapanabayan ni Zanjoe Marudo na mga hunks actor ay may mga asawa at pamilya niya, samantalang si Zanjoe ay nananatiling bachelor sa edad na 39. Wala ring tsika sa kanyang lovelife ngayon, as in zero.
Sa latest movie ni Zanjoe sa Vivamax, ang “Ikaw Lang Ang Mahal”, streaming sa Vivamax App starting May 20, ay mga pawang loveless, sina Cara Gonzales at ang kakabreak lang sa kanyang partner na si Jake Cuenca, si Kylie Versoza.
May chance kaya na may makarelasyon si Zanjoe sa dalawang ito? At kung may liligawan lang siya, sino kaya ang magiging choice ni Zanjoe, si Cara ba o si Kylie?
“Si Cara masyado pang bata para sa akin, so kay Kylie ko na lang sasabihin,” say ni Zanjoe. Sabay kambyo naman ni Zanjoe kay Cara sa pagsasabing, “Ihahanap ko na lang ang ka-age n’ya si Cara.”