NAKIBAHAGI ang Philippine Army sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at U.S. Armed Forces’ Indo Pacific Command (Indopacom) para pagplanuhan ang lahat ng detalye sa 2023 iteration ng Exercise Balikatan.
Isinagawa ang pagpaplano sa AFP Education, Training and Doctrine Command, sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Ang Balikatan ay taunang exercise sa pagitan ng AFP at ng United States Armed Forces’ Indopacom na kakambyo para maisaayos ang interoperability ng AFP.
Ang taunang bilateral activity ay naglalayon na makamit at mapalakas ang kapasidad at competencies sa bawat puwersa ng both military operations gaya sa counter-terrorism at humanitarian assistance and disaster response.
Ang 2023 iteration ng Balikatan ay inilaan sa Field Training Exercises na kinakabilangan ng live fire exercises at military operations sa urban terrain. EUNICE CELARIO