SARANGANI -AGAD na nag- Labiso ang Office of Civil Defense sa mga residente sa Mindanao na asahan na ang mga mararamdamang aftershock kasunod ngpagyanig ng Magnitude 6.6 earthquake kahapon ng umaga sa Balut Island.
Sa ulat ng PHIVOLCS sa OCD-National Disaster Risk Reduction Management Council, naranasan ang pagyanig alas-9:39 ng umaga, at natukoy ang epicenter ng lindol sa layong 434 KM sa Timog Silangan ng Balut Island.
May lalim itong 122 kilometers at sinasabing tectonic-in-origin.
Dulot umano ito ng paggalaw ng tectonic plates o malalaking bato sa ilalim ng lupa kaya nagkaroon ng pag-uga. VERLIN RUIZ