BAMBOL SA PSA FORUM

Abraham Tolentino

ISANG abalang taon para sa Philippine sports ang nasa agenda ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino sa pagiging special guest sa virtual Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes.

Inaasahang tatalakayin ni Tolentino, na siya ring kinatawan ng 8th district ng Cavite sa Kongreso, ang kampanya ng bansa sa darating na  Winter Olympics sa Beijing, China; Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam; World Games sa Birmingham, USA; at sa Asian Games sa Hangzhou, China.

Magsisimula ang session sa alas-10:30 ng umaga.

Ang weekly Forum ay itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Unilever, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), kasama ang Prime Edge bilang social media at webcast partner nito.

Hinihikayat ni PSA president Rey Virgilio Lachica, sports editor ng Tempo, ang mga miyembro na makisali sa session na naka- livestream sa pamamagitan ng Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at opisyal na isini-share ng Radyo Pilipinas 2 Facebook page.