CAGAYAN – LABIS ang pasasalamat ng walo katao na nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) nang magluko ang makina nang sinasakyan nilang bangka.
Anim ang sakay na pasahero habang dalawa naman ang crew.
Naitala ang aberya ng makina habang binabaybay ang katubigang sakop ng Palaui Island sa San Vicente.
Papunta sana ang bangka sa Sta. Ana port subalit naantala ito sa alboroto ng makina.
Ligtas naman ang walong pasahero at crew habang naging katuwang ng PCG –Sub-Station sa Sta. Ana ang Marine Environmental Protection Unit- North Eastern Luzon at dalawang sibilyan. PM Reportorial Team
Comments are closed.