BANGKA TUMAOB: 1 NAWAWALA, 5 NASAGIP

Bangka

LAGUNA – NAGSASAGAWA ng Rescue and Retrieval Operation ang mga kagawad ng Public Office and Safety Order (POSO), Coast Guard at pulisya sa bahagi ng Lawa ng Laguna para sa isa pang nawawalang mangingisda makaraang tumaob ang sinasakyang bangka sa Bgy. Linga, lungsod ng Calamba.

Sa inisyal na ulat ni POSO Chief Jeffrey Rodriguez, pasado ala- 1 ng hapon nitong Linggo ay aksidenteng tumaob sa mismong gitna ng laot ang sinasakyang bangka ng mga mangingisda kung saan nasagip ang lima na nakilalang sina Florante Obciara, 50- anyos, bangkero ng Bgy. Looc; Mervin Villiapano, 35-anyos ng Bgy. Pansol; Polinar Casipit, 25-anyos ng Bgy. Looc; Zaaurie Denver Norte, 11-anyos; James Christopher Columbres, 32anyos  at ang isang nawawala pa na si James Bryan Laude, 32-anyos, pawang mga residente ng Bgy. Paciano, lungsod na ito.

Sinasabing nagkayayaan ang mga ito na ma­ngisda sa laot nang hindi inaasahang biglang lumakas ang alon at hindi umano nakayanang kontrolin ng Obciara ang bangkay kaya’t bigla itong tumaob.

Makaraan ang mahigit na isang oras, magkakasunod na nasagip ng nakatalagang Coast Guard at nagrespondeng kagawad ng POSO ang lima habang si Laude ay patuloy pa rin pinaghahanap na hinihinalang nilamon ng malakas na alon ng tubig. DICK GARAY

Comments are closed.