NAG-HOST kamakailan ang Department of Trade and Industry para sa ilang grupo ng lifestyle editors at writers sa isang pananghalian para sa sneak preview ng pagsali ng Filipinas sa Expo 2020 Dubai na ginanap kamakailan.
Isiniwalat ng DTI ang “Bangkota”, isang lumang salitang Tagalog para sa coral reef, bilang tema ng partisipasyon ng Filipinas sa Expo 2020 Dubai sa Oktubre 2020 hanggang Abril 2021.
Itatampok ng tema hindi lamang ang natural resources ng bansa kundi ang pagkakatulad ng coral reef at ng mga Filipino: parehong lumago sa mga kolonya na nasa buong mundo. Ang Expo 2020 Dubai ay ang pinakahuling edisyon ng World Expo na nagsimula sa London noong 1851. Itatampok sa Dubai 428-hectare Expo ang 190 country pavilions na bibisitahin ng 25 milyong turista.
Ang Philippine pavilion ay magkakaroon ng 3,000 square-meter na espasyo na may 1,300 square-meter na nakabakod na lugar na dinisenyo ni Budji+Royal Architecture+Design at pinamamahalaan ni Marian Roces. Magtatampok din ito ng limang exhibits, isang artisanal café, at mga tindahan ng Go Lokal! Pagkatapos ng Expo, ang exhibit ay permanente nang mailalagay sa New Clark City.
“Our most important goal in participating at the Expo is to present a country brand that reflects our rich history and our values as caring, compassionate, and creative people,” sabi ni DTI Secretary Ramon Lopez.
Bagama’t ang Expo ay hindi isang trade fair, sinabi ni Secretary Lopez na ang budget ng gobyerno na hindi aabot ng PHP1 billion ay kikitain naman sa pamamagitan ng tourism, trade, services, at investments, dahil mag-oorganisa ang DTI ng isang investment mis-sion para samantalahin ang oportunidad.
Dagdag pa niya na ang interest para sumali sa Expo ay nagmula mismo kay Presidente Rodrigo Duterte dahil may 700,000 Filipino sa United Arab Emirates. Nag-isyu ng Administrative Order 17 na itinatalaga ng DTI na pangunahan ang Philippine Organizing Committee (POC) para sa Expo 2020 Dubai. Ang POC ay sakop din ang Departments of Tourism, Foreign Affairs, Budget, Labor, Science and Technology, at Information and Communications Technology.
HONEST YET PROGRESSIVE DESIGN
Ibinahagi ni DTI Assistant Secretary Rosvi Gaetos na naisip ng Expo 2020 Dubai organizers na ang PH pavilion ay “humble, honest, yet progressive.”
Sinabi naman ni Architect Royal Pineda ng Budji+Royal Architecture+Design na gumamit sila ng alambre o kawad kaysa gumamit ng kongkreto bilang pangunahing material na daan para maipresenta tayo nang tapat, kaysa makipagkompetensiya sa ibang bansa.
RESET THE FILIPINO MINDSET
Pinamahalaan ni curator Marian Roces ang limang main exhibits, tulad ng 4,000 Years Young, Modern Becomes Filipino, The Muslims of the Philippines, The Coraline People, and Oceans Pacific, para maipakita ang istorya ng bansa bago pa man dumating ang mga Kastila. Pagsisikapan din ng exhibits endeavors na palitan ang pag-iisip ng mundo tungkol sa Filipinas at ang pag-iisip ng mga Filipino tungkol sa sarili.
Kasabay nito, pinili ng POC ang Marso 16, 2021 bilang Philippine National Day para alalahanin ang ika-500 anibersaryo ng pagdating ni Ferdinand Magellan sa Filipinas. Layon ng selebrasyon na ibahin ang mindset nito bilang araw na nadiskubre ni Magellan ang Filipinas, sa araw na nadiskubre rin natin si Magellan.
Comments are closed.