BANK DEPOSITS LUMOBO

DEPOSIT

LUMAGO ang deposits sa bansa ng double digit sa first half ng taon, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa datos ng central bank, ang deposits ay tumaas ng 10.3 percent sa first half ng 2018 upang pumalo sa P12.15 trillion.

Sa maiden banking sector outlook survey na ipinalabas, inaasahang magpapatuloy ito kung saan sa pagtaya ng mga banker, ang deposits ay tataas mula 10 hanggang 20 percent sa susunod na dalawang taon.

Karamihan sa deposits sa first half ng taon ay peso-denominated at nagmula sa resident individuals at private corporations.

Ang resident individuals ay may 47.7 percent share ng total deposits para sa nasabing panahon, habang ang private corporations ay may 32.5 percent sa P12.15 trillion deposits.

Samantala, ang gob­yerno ay may 13.1 percent ng total deposits para sa first half habang ang trust department ay nasa 4.5 percent.

“This broadly indicates a stable funding source for the banking system,” anang BSP.

Sa uri ng deposits, ang savings deposits ay lumago ng 8.1 percent at nananatiling pinakamalaking source ng total deposits ng mga bangko na may share na 47.2 percent hanggang end-June 2018.

“This type of deposits is considered inherently stable as it is not particularly sensitive to adverse changes in the bank’s profile,” sabi pa ng BSP.

Samantala, ang time certificate ng deposits ay tumaas ng 10.2 percent, demand deposit ng 13.2 percent at Long Term Negotiable Certificate of Deposit (LTNCDs) ng 40.9 percent.

“The double-digit growth in demand and time deposits may be attributed to the reduction in reserve requirement ratios by 200 basis points starting March 2018,” sabi pa ng BSP. BIANCA CUARESMA

Comments are closed.