NAGPADALA ang Philippine National Bank o PNB ng Bank on Wheels para mag- ikot at maghatid serbisyo sa mga mamamayan ng Hagonoy, Bulacan ngayong mas pinalawig pa ang Enhanced Commmunity Quarantine. Layunin ng PNB bank on wheels na makapag-bigay daan sa mga residente upang madaling makagamit ng mga ATM o Automated Teller Machines lalo na ngayon na may malaking panganib ang hatid ng COVID-19 pandemic saan man lugar.
Sa pamamagitan ng Bank on Wheels ay mas mapapadali na sa mga residente ang mga gagawin transaksyon sa bangko gaya ng cash with-drawal, cash deposits, bills payment at fund transfer.
Sa ngayon ilang bayan na nag naserbisyuhan ng Bank on Wheels, mula ng masimulan itong mag-ikot sa lalawigan ng Bulacan. Ang nasabing programa ng Bangko ay nakarating sa mga Bayan ng San Jose Del Monte, Calumpit at Guiguinto Bulacan.
Karaniwan makikita ang Bank on Wheels sa harap ng mga munisipyo simula sa alas diyes ng umaga na malaking tulong rin para sa taong bayan. MARIVIC RAGUDOS