BANKERS, GOV’T SANIB-PUWERSA

Bankers Association of the Philippines-2

NAKIKIPAG-UGNAYAN ang Bankers Association of the Philippines (BAP) sa mga regulator at mambabatas para matulungan ang mga negosyo na naapektuhan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

Sa isang statement, sinabi ng grupo na ang kanilang tie-up sa mga awtoridad ay naglalayong masiguro ang liquidity at re-habilitasyon ng mga industriya na labis na naapektuhan ng pandemya.

“While the banking sector continues to provide critical support to the economy and the general public, efforts are now geared towards economic recovery of the country,” ayon sa BAP.

Gayunman ay hindi nagbigay ng karagdagang pahayag ang BAP sa mga programa na kanilang ikinakasa sa tulong ng pa-mahalaan.

Tiniyak ng grupo sa publiko ang kanilang pangako na magkakaloob ng “unhampered banking services and ensure the indus-try’s resiliency and cooperation as we go into another two weeks of extended quarantine. ensure the industry’s resiliency and cooperation as we go into another two weeks of extended quarantine.”

Ayon sa BAP, pinagbuti na ng mga bangko ang kanilang operasyon para makasunod sa ‘new normal’.

“The public is likewise reminded to ensure that their information is protected against cybercrime that can proliferate during this time,” dagdag pa nito.  (PNA)

Comments are closed.