TAPOS na rin kahapon ang barangay at Sangguniang Kabataan elections. Malamang sa mga oras na ito, karamihan ay opisyal nang naiproklama bilang panalo sa nasabing halalan. Subalit kahapon, habang ako ay nagmomonitor ng mga kaganapan tungkol sa barangay elections, maraming balita ang inirereport sa radyo tungkol sa bentahan ng boto o vote buying.
Ito ay isang mali at masamang asal na nakaugalian ng mga politiko natin at ganoon din sa ilan sa ating mga botante. Pumapayag ang ilan sa atin na bilihin ang ating sagradong karapatan na boto. Ang mga karamihan na nagpopondo ng salapi sa vote buying ay ang mga lokal na opisyal. Nandiyan ang mga kasalukuyang mayor, vice mayor, konsehal, congressman at pati na rin ang mga gobernador o bise gobernador. Nais nilang siguruhin na ang kanil-ang mga ‘bata’ na barangay captain at mga kagawad ay manalo upang makasiguro ng suporta sa kanila sa eleksiyon sa susunod na taon.
Subalit ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ay tila seryoso na sampahan ng kaso sa Commission on Elections (Comelec) ang mga kumandidato sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na nahuli na nagbo-vote buying. Ayon kay DILG Undersecretary for Ba-rangay Affairs Martin Diño, siya mismo ang magsasampa ng kaso kinabukasan matapos na makakalap ang kanyang opisina ng mga sapat na ebidensiya na nagmula sa mga volunteer na mamamayan na may video na nagbilihan ng boto sa kani-kanilang mga barangay.
Sinabi ni Diño na ang bilihan ng boto ay laganap. Ngunit dahil sa mapagmatyag na mga mamamayan na hangad na baguhin ang mga bulok na siste-ma ng ating lipunan, ginagamit nila ang kanilang smartphones upang kunan ang mga paglabag sa eleksiyon at inilalagay nila sa social media. Paliwanag ni Diño, ang mga isasamapang kaso ay may magiging inter-agency complaints at bibigyang paryoridad ito ng Comelec.
Kilala ko nang personal si Usec. Diño. Ang kanyang pagkakatalaga bilang tagapamahala ng mga bagay-bagay tungkol sa barangay ay kayang-kaya niya. Dati siyang naging kapitan ng kanilang barangay sa Quezon City. Alam niya ang kalakaran sa barangay.
Umaasa ako na seseryosohin ni Usec. Diño ang pagsasampa ng kaso upang magsilbing leksiyon sa susunod na taon pagdating ng mid-term elec-tions. Mas magulo ito kung ikukumpara sa katatapos lamang ng barangay elections.
Kailangan lamang kasi na makita ng mga tao at sambayanan na seryoso ang ating liderato sa pagbabago. Wala dapat na sinisino. Mayaman ka man o mataas ang iyong katungkulan.
Ibabalik ko muli sa ginagawa ni Pangulong Duterte. Kapag may naamoy siya na kabulastugan sa kanyang mga tao na nakapuwesto ngayon sa go-byerno, hindi siya nagdadalawang-isip na sibakin ang mga ito. Hindi na natin kailangang isa-isahin ang mga ito.
Ganoon din sa ginagawa ng MMDA sa ilalim ni Chairman Danny Lim. Seryoso sila na ayusin ang mga pasaway na motorista sa kalsada. Wala si-lang sinasanto kapag malinaw na lumabag sila sa batas trapiko.
Ito ang kailangan natin kung nais natin ng tunay na pagbabago sa isip, sa salita at sa gawa.