BANTA NG DOTr ‘PAG ‘DI INILIBRE SA COMMUTERS: EDSA BUSWAY BEEP CARD IPATITIGIL

DOTr

NAGBANTA kahapon ang Department of Transportation (DOTr) na sususpendihin nito ang paggamit ng automatic fare collection system sa EDSA Busway kapag hindi inilibre ng operator ang Beep cards sa mga commuter.

Nauna nang iginiit ng  DOTr ang panawagan nito sa AF Payments, ang consortium na nagpapatakbo sa  automatic fare collec-tion system na ginagamit sa Metro Manila rail system at sa  EDSA Busway, na alisin ang P80 fee sa pagbili ng Beep cards bukod pa sa load na kinakailangan sa pagsakay.

Kapa hindi agad tinanggal ng AF Payments ang bayad sa card, sinabi ng DOTr na sususpendihin nito ang paggamit ng automat-ic fare collection system sa EDSA Busway.

“We are asking AFPI to remove the service fee and other charges that total a significant amount for the cost of the card, the payment of which has been an additional burden for passengers,” ayon sa  DOTr.

“These are, the ordinary commuters who are still reeling from the impact of the COVID-19 and the strictly enforced community quarantines in their livelihood. Thus, they should be spared from this additional burden,” dagdag pa ng ahensiya.

Iginiit naman ng AF Payments na hindi sila kumikita sa benta ng Beep cards at ang halagang P80 na ibinebenta sa commuters ay subsidized na.

Subalit nanawagan ang  ahensiya sa kompanya na huwag nang pagbayarin ang mga commuter sa Beep card para matulungan ang mga ito na makayanan ang epekto ng COVID-19 pandemic.

“Further, there are other AFCS providers and other modes of cashless transactions that PUV operators may tap,” it said.

“Thus, should the AFPI refuse to cooperate by allowing the free use of the ‘Beep’ card to commuters upon payment of the fare load, the DOTr will have suspend its use in the EDSA Busway to alleviate the burden of commuters,” dagdag pa ng DOTr.

Comments are closed.