BARANGAY CHAIRMAN TINAMBANGAN

riding in tandem

PATAY ang isang opisyal ng barangay sa bayan ng Malabang sa  probinsiya ng Lanao Del Sur nang pagbabarilin ito ng riding in tandem.

Ayon sa Malabang Municipal Police Station,  hindi na nadala  ng buhay sa pagamutan ang biktima na kinilalang si Aksara Marohomsalic Balindong, kasalukuyang Barangay Chairman ng Brgy. Campo Muslim sa Malabang Lanao Del Sur.

Base sa impormasyong ibinahagi ni Malabang Chief of Police, P/Lt  Karl Vince Centinaje na nakatayo lamang ang biktima malapit sa isang money changer sa Brgy. Poblacion nang dikitan ito ng dalawang armadong kalalakihan at ilang ulit na pinaputukan gamit ang 9mm pistol.

Dead on the spot si Kapitan Marohomsalic sanhi nang tinamong  tama ng bala sa ulo at dibdib.

Target ngayon ng manhunt operation ang dalawang suspek na mabilis na nakatakas sakay ng isang motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Malabang.

Hinala ng mga awtoridad na personal na alitan o rido ang nakikitang motibo sa pamamaril sa biktima. VERLIN RUIZ

Comments are closed.