BARANGAY PINESTE NG LIBO LIBONG LANGAW

ISABELA –  NAGHAIN ng reklamo ang mga residente sa Barangay Marabulig Uno, Cauayan City makaraang salakayin ng libo libong langaw mula sa isang poultry farm ang kanilang kabahayan.

Sa pahayag nina Jenelyn David, at Juliebeth Deleona ng Purok 4, hindi na umano normal ang oras ng kanilang pagkain dahil sa dami ng langaw mapa-araw man at gabi ay binubugaw na lamang nila para umalis ang mga ito.

Nabatid na nagmumula ang mga langaw sa poultry farm na  pag-aari ni Alex Ty, kung saan isang linggo na silang kumakain sa loob ng kulambo.

Aniya, aabutin pa umano ng isang buwan ang itinatagal nito matapos ang pagha-harvest ng mga manok sa nasabing poultry farm.

Kapag nagsimulang mag-harvest ng mga manok ay nagsasara na sila ng bintana para maiwasan ang pagpasok ng libong langaw pero  may nakakapapasok pa rin.

Nakarating na sa kaalaman ni Barangay Chairman Jaimie Partido  ang reklamo  ng mga residente kung saan inaksiyunan naman nila ito. IRENE GONZALES

Comments are closed.