BARBER SHOP BUSINESS SAPOL NG PANDEMYA, DANIEL PADILLA INAMING HIRAP NA

DANIEL PADILLA

KAHIT sapol ang kanyang negosyo ng pandemya ay hindi pa rin ito isasara ng aktor na si Daniel Padilla.

Inamin ng aktor na hirap siya sa finances sa ngayon, ngunit hindi naman aabot sa pagsasara ng BARBER shop business nito na Barbero Blues.

Bukod kasi sa epekto ng COVID-19 pandemic ay naipasara ang network nitong ABS-CBN.

Bagama’t may naipon at unti-unti na rin umano itong nauubos.

Palaisipan pa rin kung matutuloy ang bagong teleserye ng aktor at ng real sweetheart na si Kathryn Bernardo lalo na’t nahinto ang mga shooting ngayon dahil sa  pandemya.

Ang business ni Daniel ay  kabubukas lang bago ang lockdown noong Marso.

Comments are closed.