BARBIE FORTEZA KAMPANTENG MAKASAMA ANG BAGUHANG SI KATE VALDEZ SA PROYEKTO

FIRST time para kay Barbie Forteza na makasama sa isang project ang baguhang wallfaceKapuso star na si Kate Valdez, para sa teleser­yeng “Anak Ni Waray Vs. Anak ni Biday”.

Ani ni Barbie, hindi na rin bago sa kanya si Kate Valdez dahil nakakasama niya ito sa i­lang Kapuso shows. At nakikita ni Barbie  na masipag at may potential si Kate na maging isang malaking artista. Mas lalo raw siyang na-impress kay Kate nang makasama na niya ito sa kanilang te­leserye.

Malaki raw ang na­ging improvement ni Kate sa acting at napansin din ni Barbie na sa mga eksenang magkasama sila ay bigay todo umakting si Kate, hindi raw pa-chill-chill ang ginagawa ni Kate talagang todo sa aktingan. Isang indikasyon daw ito para kay Barbie na willing to learn si Kate at talagang dedicated sa kanyang trabaho.

Bukod sa dalawa, kasama rin sa “Anak Ni Waray Vs. Anak ni Biday” sina Snooky Serna, Dina Bonnevie, Celia Rodriguez, Jay Manalo at marami pang iba.

JERALD NAPOLES MAAYOS NA NAGPAALAM SA APT ENTERTAINMENT

HINDI pinigilan ng APT Entertainment ang pag-alis sa kanilang poder ng JERALD NAPOLESkomedyante/theater actor na si Jerald Napoles. Ayon sa isa sa big boss ng naturang managing agency ay personal na lumapit sa kanila si Jerald at isa-isang kinausap ang mga taong involved. Maging sa pinaka-mababang posisyon daw sa kompanya ay nagpaalam si Jerald.

Dahil sa gesture na ito ni Jerald kung kaya naging peaceful ang pag­hihiwalay ng dating talent at manager. Dagdag pa rin nito, hinayaan daw nila ang kaligayahan ni Jerald, ang magpalit ng hahawak sa kanyang acting karir.

Sa ngayon ay under exclusive contract na si Jerald ng Viva Talent Agency at nagpirmahan na sila ng 5 years exclusive and 10 pictures contract. Parang kumakampi kay Jerald ang pagkakataon sa ginawa niyang pagpapalit ng management. Ang isa sa show niya sa GMA-7, ang “Sunday Pinasaya” kung saan ay regular co-host si Jerald, ay mawawala na rin sa ere at sa Dec. 22 na ang last episode nito.

Sa pagkawala sa ere ng “Sunday Pinasaya” kung saan co-producer nito ang APT Entertainment ay tahimik sa isyung ito, bagkus sinasabi lang nila na happy ang APT sa naging success ng SPS dahil sa pagiging number one palagi ng show sa loob ng itinakbo nitong 4 na taon sa ere.