MAITUTURING na ni Barbie Forteza ang nakaraang Hulyo 31 ang isa sa pinaka-memorable na kaarawan niya. Wala mang bonggang-bonggang handaan o party, ay kasama naman niya ang boypren at kasama rin ang no less than mommy at daddy ng boypren na si Jak Roberto.
Isang masayang getaway ang handog na regalo ng mga magulang ni Jak kay Barbie. Sama-sama silang naghapi-hapi sa Tagay-tay. Sa mga litratong ipinost nina Jak at Barbie, kitang-kita ang pagkakagusto ng mga magulang ni Jak kay Barbie na tila itinuturing na nila itong kapamilya.
Kahit pa sa date ng magdyowang Jak at Barbie ay join ang mga magulang ng boypren. Una na rito bago pa man itong regalong birthday celebration for Barbie ay nakasama rin nila ang sister naman ni Jak na si Sanya Lopez nang magpunta ang dalawa sa Japan.
Hindi talaga tinantanan ni Sanya ang kapatid na si Jak na isama siya sa naturang bansa at naging epektibo naman ang pangungulit ni Sanya sa kanyang kuya.
AIAI DELAS ALAS KONTRA ANG MGA ANAK SA MULING PAGBUBUNTIS
OPEN na ang Comedy Concert Queen na si AiAi delas Alas sa muling pagbubuntis. Hindi man sa natural na paraan ay sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya ni Ai Ai ito isasakatuparan.
Sa katunayan pa nga ay may mga plano nang gagawin si Ai Ai para matuloy ang kanyang pagdadalantao. Ani ng actress, nasa proseso na ang embryo na itatanim sa kanyang sinapupunan at malamang ay next year na gagawin ang proseso sa kanya.
Hindi lang doon nagtatapos ang plano, may plan B pa ang mag-asawang Ai Ai at Gerald Sibayan. Kung ‘di mabubuo sa implant ay game na game rin si Ai Ai na kumuha ng surrogate mother para sa embryo nila ng mister. Habang excited na naghihintay ang mag-asawa ng tamang panahon sa kanilang magiging baby ay tsikang hindi raw pabor dito ang mga anak ni Ai Ai sa dating kinakasama?
Say naman ng mabait na komedyana, mas excited pa nga raw ang mga ito kaysa sa kanya. Gustong-gusto na nga raw nilang makita ang kanilang magiging bunsong kapatid. Sa ngayon ay ngaragan na muna si Ai Ai sa kanyang mga commitments dahil next year ay lie low na muna siya sa showbiz world.
Comments are closed.