NAGBALIK sa primetime ang award-winning Kapuso actress na si Barbie Forteza dala ang good vibes at kilig through her new series Inday Will Always Love You which is now on its first week run on GMA7.
The new series will showcase the rich culture of Cebu making it one of the top destinations for international and local tourism. Ipakikita rin dito ang kuwento ng mga Cebuano as seen through the eyes of Manileña girl Happylou Magtibay, isang masayahin at optimistic girl, na lechon assistant na naging magulo ang buhay mula noong lumipat siya ng Cebu para hanapin ang kanyang ama, which is played by Barbie.
Ayon kay Barbie, ito raw ang perfect project para sa kanya matapos niyang gawin ang huling serye niyang Meant to Be.
“Wala akong maisip na ibang pang-comeback na show kasi very relatable talaga ang story. Nakatutuwa lang kasi kapag nagpo-post ako ng teasers, mga Cebuano ang nagko-comment kasi andun sila mismo. Excited sila at nakatutuwa rin kasi parang nilibot na namin sila sa Cebu,” pahayag ni Barbie.
Kasamang magpapakilig ni Barbie ang kanyang unang ka-loveteam na muling mabubuhay sa seryeng nabanggit, si Der-rick Monasterio, a Kapuso hunk. Huli silang nagkasama ni Barbie sa The Half Sisters. Ka-join din si Juancho Trivino play-ing Barbie’s good friend.
Also in the cast are Ricky Davao, Manilyn Reynes, Nova Villa and Tina Paner. Naroon din si Kim Rodriguez, Super Tekla at ang malalaki na ngayong kambal na Lumen Twins na sina Charisse and Charlotte Hermoso sa direksiyon naman ni Monti Parungao at Rember Gelera with head writers Zig Dulay at Nathan Arciaga.
YOUNG JV BUMAWI SA MASAMANG INSIDENTE; BRAND AMBASSADOR NA NGAYON
EXCITED na dalhin ng composer, actor at urban pop artist na si Young JV ang kanyang musika sa mga entablado ng iba’t ibang eskuwelahan bilang isang brand ambassador ng Megasoft Hygienic products.
“I’m excited to bring my music to the Megasoft stage as we travel across the country for the “school is cool tour,” sabi niya.
Napanood si Young JV, a.k.a. JV Kapunan sa Kapamilya shows tulad ng La Luna Sangre, “Bagani” at sa Ang Probinsiyano. Magsisimula na rin siyang mag-shoot ng isang indie romcom movie.
As a composer, nakagawa na rin siya ng at least 25 songs in his last 3 albums collaborating with Gary V, Yeng Constanti-no, KZ Tandingan, Karylle and Vice Ganda.
Bilang anak ng isang sundalo at ngayon ay Ambassador to Myanmar Eduardo “Red’” Kapunan and a supportive mother Elsa Kapunan, tumutulong si Young JV sa mga anak ng sundalo sa pamamagitan ng kanyang “Lahing Bayani Founda-tion”, na nasa ika-walong taong na ngayon na nagsasagawa ng outreach programs and granting scholarships.
Young JV’s latest single “123”, under Star Music, is now available in iTunes, Google play and Spotify. Nakatakda siyang mag-release ng isang pang album na “Bad For Me”. He is now being co-managed by Jerome Smooth of Big Picture Pro-ductions, na siya ring nag-organize ng foreign acts sa Maynila tulad nina like Demi Lovato, Pitbull and Nicki Minaj.
Gusto niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral this year, he plans to continue his Communication Arts na naisantabi niya dahil sa kanyang showbiz commitments.
“I want to go back to school for myself and my parents who really would want me to have a diploma,” he reveals.
Kasali na si Young JV sa roster ng Megasoft endorsers tulad nina Mark, Pele and Jolina Magdangal-Escueta of New Super Twins Easy Wear Baby Pants, Myrtle Sarrosa of Sisters sanitary napkins and Pantyliners and Ryle Santiago of Cherub Baby Care products na ipinag-mamalaki ng VP for Sales and Marketing na si Aileen Choi-Go. Nagsimula nang mag-ikot si Young JV ng kanyang school tour noong Mayo 17 sa Gaisado Grand Antique, sa June 14 sa Butuan City para sa Naliyagan Festival at sa Hulyo 16 sa Ororam Carmen sa Cagayan de Oro City.
NEW CENTURY TUNA SUPERBODS WINNER MAUREEN MONTAGNE PROUD PINAY BEAUTY QUEEN
MODEL na, beauty queen na, at ngayon Century Tuna Superbods 2018 winner pa! Iba talaga ang karisma ng dating Miss World-USA first runner up, Fil-Am na si Maureen Montagne. Lahat ay nabighani sa pagrampa niya sa katatapos lang na Century Tuna Superbods Ageless 2018, ang pinakamalaking summer event sa bansa.
Halatang sanay na sanay at hindi baguhan sa pagrampa si Maureen.
Paano ba naman, samu’t saring beauty pageants na rin ang nasalihan niya hanggang sa umabot pa siya sa prestihiyo-song America’s Miss World para i-represent ang Arizona. Hindi man pinalad na masungkit ang pinakamataas na korona, not bad na rin ang pagiging first runner-up niya sa nasabing pageant.
Aniya sa kanyang Facebook post, “I learned and grew so much and left everything I had out on the stage. I’m so happy and blessed to be 1st runner up at America’s Miss World.”
Hindi man lumaki sa Pilipinas, ipinagmamalaki ni Maureen ang pagiging Pilipino. Sa katunayan, bahagi siya ng Abaka Foundation na nagpo-promote ng sining, kultura at lengguwahe ng lahing Pilipino sa mga kabataan. Dahil sa pagsali niya rito, unti-unti rin niyang natututunan ang pagsasalita ng Tagalog, dahilan para maging malaking inspirasyon siya sa mga bata. Aniya, “No matter where you go or who you become, don’t forget your roots. Never forget where you came from. It’s what made you.”
Sa ngayon, ine-enjoy pa ni Maureen ang pagkapanalo sa Century Tuna Superbods Ageless 2018. Mas dumami pa ang modeling gigs niya at nadagdagan ang appearances niya sa mga commercials at TV shows. Pero ang importante sa la-hat, nananatili siyang down-to-earth at siyempre, hindi rin niya nakalilimutan ang pagtulong sa iba. Tunay nga siyang inspirasyon sa mga Pilipino, saan mang sulok ng mundo, na patuloy na nangangarap at nagsusumikap para makatulong sa bayan.
Para sa iba pang updates tungkol sa event, bisitahin ang www.facebook.com/centurytuna.
Comments are closed.