CAGAYAN – ISANG magsasaka ang tinutugis nang PNP-Gattaran ang tinutugis matapos na tumakas matapos na malamang isisilbi sa kanya ang isang search warrant dahil sap ag-iingat ng iba’t ibang klase ng baril sa kanyang bahay sa Gattaran.
Kinilala ang suspek na si Alex Tapia, 50, residente ng Barangay Palagao Sur.
Kinilala ni P/Maj. Edwin Aragon, hepe ng Gattaran Police Station, ang suspek na si Alex Tapia, 50, residente ng Palagao Sur, Gattaran.
Ayon kay P/Major Aragon, isang concerned citizen ang nagbigay ng impormasyon at personal na nagtungo sa himpilan na umano’y may mga itinatago ang suspek na iba’t ibang klase ng baril.
Kaagad na ikinasa ng PNP Gattaran ang isang search warrant at mabilis na nagtungo sa lugar subalit natugunan ng suspek at mabilis na tumakas kung saan bitbit ang dalawang sako na naglalaman ng mga baril.
Ang nasabing dalawang sako ay naglalaman ng tig-isang carbin rifle, rifle grenade, long magazine, hand grenade, hand held radio, revolver 22 home made, limang short magazine at 31 na bala dahil sa pagmamadali ay iniwan na lamang ng suspek ang mga dalang baril sa hindi kalayuan sa kanilang bahay at mabilis na tumakas.
Bukod rito, nakuha rin sa bahay ng suspek ang isang wooden paddle at isang pong na may nakamarkang pangalan ng isang grupo na pinaniniwalaan ng awtoridad na ito ang ginagamit sa kanilang mga operasyon ng kanilang samahan.
Mariin namang itinanggi ng asawa ng suspek na may alam siya sa mga nakuhang gamit mula sa asawa. IRENE GONZALES