MISTULANG naipit sa nag-uumpugang bato ang BRP Gregorio del Pilar, ang flagship ng Philippine Navy, nang sumadsad ito sa bahagi ng Hasa-Hasa Shoal sa Spratly Islands noong Miyerkoles.
Ayon sa AFP Western Command, kasalukuyang nagsasagawa ng maritime patrol ang Del Pilar class frigate patungo sa Ulugan Bay, Palawan nang mangyari ang insidente.
Walang nasaktan sa insidente, ayon kay Lt. Col. Noel Detoyato, chief ng AFP-Public Affairs Office at katunayan nakabantay pa rin sa kani-kanilang station ang lahat ng crew at umaandar pa rin ang makina nito.
Nabatid na matapos na i-radyo ng BRP Del Pilar ang insidente ay mabilis na dinispatch ang mga naval asset para saklolohan ang naturang barko.
Ang barko ay mula sa Estados Unidos na nakomisyon ng Filipinas noong 2011 sa ilalim ng Foreign Assistance Act at Excess Defense Articles.
Bago ito na-commission na naval asset ng PN ay nagsilbi itong cutter ng United States Coast Guard.
Tinatayang tatagal pa ang nasabing barko sa Hasa-Hasa shoal na itinuturing na mayamang fishing ground at deklaradong saklaw ng 9-dash line ng China ng ilang araw.
Ayon kay Detoyato, dalawang tugboat na magmumula sa Batangas Pier ang inaasahang sasaklolo sa naturang barko para hatakin pabalik ng AFP-WESTCOM.
Nilinaw rin ni Detoyato na intact pa rin ang crew dahil umaandar ang makina nito. VERLIN RUIZ
Comments are closed.