NAKATUTOK ngayon ang Mindanao Development Authority (MinDA) ang tatlong probinsiya na nasasakupan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa isang trade mission lalo na ang pagsusuplay ng mga produktong Halal sa Kota Kinabalu, Sabah, Malaysia pagdating ng Enero 2020.
Ang target na suplay na sakop ng Halal ay kambing, baka, Manok Kampung, itlog, young coconuts, at prutas, na puwedeng kunin sa tatlong three island provinces Tawi-tawi, Sulu at Basilan na siyang pinakamalapit sa Sabah, isang lugar na nananatiling inaangkin ng bansang Filipinas.
Sa kanyang Facebook post kamakailan, sinabi ni Secretary Emmanuel Piñol na layon ng kanilang ginagawang aksiyon na mapasok ang lumalagong merkado ng Halal ng tatlong milyong lokal at apat na milyong turista taon-taon sa Sabah.
“Sabah also needs supplies of premium quality and organic rice for the growing number of tourists who troop to the State every year,” sabi niya.
Dagdag niya na noong panahon ng miting kay Sabah State Chief Minister Mohd Shafie Apdal noong Nobyembre 22, nakita ng opisyal na ang lumalagong turismo sa North Borneo state ay nagbigay ng pressure sa food supplies, lalo na ang mga pagkaing Halal.
“During the meeting which is also attended by Asian Development Bank (ADB) executive director Paul Dominguez, Chief Minister Apdal said that the State intends to source the supplies from the islands to strengthen the barter trade between Sabah and Mindanao,” dagdag niya.
Sinabi ni Piñol na sumusuporta si Deputy Chief Minister Wilfred Madius Tangau, na siyang pinuno ng Ministry of Trade and Industry, sa ideya na makipag-ugnayan sa tatlong island provinces na buhayin ang kanilang barter trade.
Ang barter trade ay matagal nang one-way affair with goods na nanggagaling sa Sabah at ibinabarko hindi lamang sa isla ng Zamboanga City rin, dagdag pa niya.
“Initially, the supplies for the Sabah market will be coming from the other Bangasamoro Provinces and the rest of Mindanao,” ani Piñol.
Magsisimula ang MinDa ng training sa susunod na taon sa Sulu, Tawi-tawi, at Basilan sa pagpapalaki ng kambing, pagpapataba ng baka, free-range chicken raising para maiprodyus ang tinatawag ng Malaysians na “Ayam Kampung” o “Manok Kampung,” egg production at coffee production para sa mga magsasaka sa tatlong three island provinces.
Gustong galugarin ng MinDA agriculture and trade mission ang merkado ng State of Sarawak at ang capital city nito na Kuching. PNA
Comments are closed.