SA Instagram account ni Claudine Barretto nalaman ng lahat na pumanaw na ang kanyang ama na mahigit isang linggo nang nasa hospital.
Sa short video na ipinost ni Claudine, nakapaligid sila (Barretto family) sa kama ng kanyang ama na tila kapapanaw lang.
“We luv u Dad,” caption niya sa kanyang IG story ay ipinost din niya ang mga katagang, “never knew I could hurt like this. Goodbye Dad.”
Bago yumao ang kanyang ama ay nag-viral pa sa internet ang mga larawan ni Claudine at Marjorie na magkasama at nasa isang family meeting.
Open naman sa publiko na may hindi pagkakaunawaan sina Claudine at Marjorie kaya marami ang natuwa na makitang magkasama silang dalawa.
May lumabas ding larawan na magkausap sina Claudine at Julia Barretto, ang anak ni Marjorie, habang nasa ospital na ikinatuwa muli ng maraming netizens.
Sa pagpanaw ng kanilang ama ay marami ang umaasa na sana raw ay matuldukan na ang alitan ng magkakapatid na Barretto.
Condolence po sa pamilya Barretto.
TATAY NI MICHAEL V YUMAO NA RIN
LAST Monday, October 14, ay pumanaw naman ang ama ni Michael V na si Cesar Felix Bunagan. Ibinahagi ni Michael sa IG ang kanyang pagdadalamhati kung saan makikita ang kamay nilang dalawa ng ama na magkahawak na may caption na:
“Almighty and merciful God, who hast bestowed upon mankind saving remedies and the gift of everlasting life, look graciously upon us Thy servants and comfort the souls which Thou hast made, that, in the hour of their passing, cleaned from all stain of sin, they may deserve to be presented to Thee, their Creator, by the hands of the holy angels, through Jesus Christ our Lord. Amen.”
Hindi na idinetalye ni Michael kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang ama. Matatandaang kamakailan lang ay humingi ng dasal ito sa kanyang mga kaibigan at fan para gumaling ang kanyang ama.
Noong unang Linggo ng October ay mayroon din siyang ibinahagi kung saan kamay ulit nila ng kanyang ama na may caption na “holding on.”
Three days bago pumanaw ang ama ni Michael ay nagbahagi pa si Michael ng family picture nila na kung saan malakas pa ang kalagayan ng ama. Bumuhos naman sa social media ang pakikiramay ng mga artista at fan ng comedian/actor/director. Lahat ng kasamahan niya sa Bubble Gang ay nagbigay suporta at pagdadalamhati sa kalagayan ngayon ni Michael V.
Comments are closed.