BARRIOS SA PSA FORUM

MAGIGING special guest si newly-designated Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) spokesperson Renauld ‘Sonny’ Barrios sa one-on-one session ng online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes.

Inaasahang magbibigay ng update si Barrios, na siya ring executive director ng SBP, sa nalalapit na kampanya ng Gilas Pilipinas team sa third window ng World Cup qualifiers, gayundin sa mga paghahandang isinasagawa ng bansa, isang taon bago maging co-host ng 2023 FIBA world basketball championship kasama ang Japan at Indonesia.

Magsisimula ang session sa alas-10 ng umaga.

Ang weekly Forum ay itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC), Amelie Hotel Manila, Unilever, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ila-livestream ito via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, na isini-shares din ito sa kanilang official Facebook page.