MAYNILA – KAMATAYAN ang sinapit ng tatlo katao matapos makaengkuwentro ang mga pulis sa Baseco Compound, Tondo noong Linggo ng hapon.
Nagsagawa ng Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) ang Manila Police District (MPD) sa lugar.
Ayon kay MPD Director Police Brigadier General Vicente Danao Jr., dalawang suspek ang nakipagpalitan ng putok sa Aplaya section ng Baseco Compound.
Isa pa ang nanlaban sa mga pulis sa Parola Compound.
May nasugatan ding pulis matapos tamaan ng bala sa kanyang braso.
Aabot sa 700 indibiduwal ang naaresto dahil sa iba’t ibang paglabag kung saan 21 rito ay dahil sa ilegal na droga.
Nakumpiska ng pulisya ang aabot sa P340,000 halaga ng droga, walong video karera machines, mga baril at dalawang granada.
Ang Baseco ang sinasabing ‘most-drug affected area’ sa lungsod ng Maynila. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.