BASIC GOODS BALIK NA SA SRP

DTI

BALIK na sa suggested retail price (SRP) ang mga pangunahing bilihin sa bansa bunsod ng

pagtatapos ng 60-araw o 2-buwang price freeze na ipinatupad ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon sa DTI, simula pa noong Mayo 16, inalis na ang price freeze sa basic necessities na ipinatupad noong Marso.

Kabilang sa mga produktong nasa ilalim ng price freeze ang mga tinapay, processed milk, kape,  sabon, instant noodles at iba pa.

Nilinaw naman ng kagawaran na ang pagtatanggal ng price freeze ay walang epekto sa ginagawang price at supply monitoring ng mga ahensiya ng gobyerno. ACE CRUZ ( DWIZ 882)

Comments are closed.