BASKETBALL PLAYER INAMBUS SA COVERED COURT PATAY!

GUN FIGHT

LAGUNA – INAMBUS at napatay ng riding in tandem suspects ang 33-anyos na basketball player sa loob mismo ng covered court ng Monserrat Subd., Brgy. Sto Angel Sur, bayan ng Sta. Cruz kahapon ng umaga.

Sinasabing aktong maglalaro pa lamang ng basketball sa lugar dakong alas-7:30 ng umaga ang biktimang kinilala ni PLt. Col. Armie Agbuya na si Jomar Flores Reyes na patraydor na pagbabarilin hanggang sa mapatay ng mga suspek habang aktong nakaupo ito sa loob ng covered court.

Sa kabila ng marami ang nakasaksi sa naganap na insidente kung saan hindi rin matukoy ng mga ito ang posibleng pagkaka-kilanlan sa tumakas na mga suspek habang lulan ng isang motorsiklo patungo  sa hindi pa mabatid na lugar.

Lumilitaw sa ulat na pawang nakasuot ng bonnet at bullcap ang mga supek ng sumulpot ang mga ito sa pinangyarihan ng insidente bago isinagawa ang krimen.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang batok at leeg ang biktima na tumagos sa kanyang mukha na agad nitong ikinamatay at hindi na nagawa pang maisugod sa pagamutan.

Kaugnay nito, patuloy ang isinasagawang malalimang imbestigasyon ng pulisya sa kaso kabilang ang posibleng pagkakakilanlan sa tumakas na mga suspek at motibo sa pamamaslang.  DICK GARAY

Comments are closed.