NAG-CHAMPION sa 2019 Batang PBA 8-9 yrs old bracket ang Batang Alaska Aces makaraang pataubin ang Batang Meralco Bolts, 66-65. Makalaglag puso ang laban ng mga paslit na ito. Animo ay mga may edad na at dibdiban kung magsipaglaro.
Sino ba naman ang hindi mapapaangat sa upuan, lamang ng 3 points ang Batang Meralco, 64-61, may 16.3 segundo ang nala-labi. Nakakuha ng foul si Bryce Andrew Sanches (Ateneo) kaya naitabla ang iskor sa 64-64 kung saan nakapuwesto ito sa 3-point territory kaya nabigyan siya ng bonus free throw. Pero ayaw paawat ang mga Batang Bolts na nakapag-shoot pa ng isa kaya naging 65 – 64 ang iskor, may 13.3 segundo sa orasan, at bola ng Batang Aces. Sa dying seconds ay naibuslo ni Jayden Ylen ang bola na nagpanalo sa team. Si Ylen ay isang 8-anyos mula sa De Lasalle Zobel. Congrats, Batang Alaska Aces.
Namataan si NLEX asst. coach Jojo Lastimosa na sumusuporta sa Batang PBA Alaska Aces team.
Bumabagsak na ang laro ng mga atletang Pinoy sa mga international event, kabilang na ang Southeast Asian Games at ito ay resulta ng kawalan ng katarungan, awayan at ‘di pagkakaisa sa loob mismo ng Philippine Olympic Committee (POC).
Ito ang sentimiyentong ibinahagi ni retired Lt. Gen. Charly Holganza, ang lead convenor ng Reform Philippine Sports movement, sa ginanap na lingguhang Usapang Sports forum na inorganisa ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Huwebes ng umaga sa National Press Club sa Intramuros, Maynila.
“Bumababa na ang performance natin sa sports. Sa Southeast Asian Games nga bumagsak na tayo sa sixth place,” sabi ni Holganza, na hindi miyembro ng anumang sports organization subalit isinusulong ang adbokasiyang magkaroon ng reporma sa Philippine sports
Bagama’t sinuportahan ng grupo si Ricky Vargas nang tumakbo ito laban sa dating POC president na si Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr., dismayado sila sa POC na pinamumunuan ngayon ni Vargas dahil hindi pa rin naririnig ang kanilang mga karaingan.
“We thought that the needed reforms would finally be put in place. We thought that with his new direction, the problems of the divided communities will finally be resolved,” sabi pa ni Holganza.
“Unfortunately, it has been more than a year now, and the POC has not done anything about it. The membership committee un-der Mr. Robert Bachmann has not been able to resolve a single issue yet.”
Subalit hindi naman nawawalan ng pag-asa ang grupo kaya ipinararating na nila ang isyu para malaman ng publiko at dinggin ni Vargas ang panawagan nilang magkaisa ang Philippine sports.
PAHABOL: Happy 12th birthday to my son AUZTIN DWAYNE A. MANUEL. Binatilyo ka na, balong. Sana ay matupad lahat ng pangarap mo. We LOVE YOU.
Comments are closed.