NAPIGILAN ng Barangay Ginebra ang late charge ng Meralco para sa 76-72 panalo at kunin ang 2023 Batang PBA 12-Under Division championship kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Sa pangunguna ni Simon Jacob Jazul, maagang lumayo ang Batang Gin Kings subalit kinailangang malusutan ang mainit na paghahabol ng Batang Bolts sa closing minutes upang mapagwagian ang knockout finale.
Sa isa pang knockout finale, binura ng Purefoods ang 23-point deficit upang pataubin ang Blackwater Red President, 91-87, at pagharian ang 14-Under division.
Nagbuhos si Carl Anthony Songco ng 16 points, kumubra si Lawrence Rameses Luna ng 10 habang nagdagdag sina Neil Ysach Garcia at Ryle Santino Gimaranga ng tig-9 points para sa Blackwater.
Tumapos ang anak ni Phoenix veteran guard RJ Jazul na may game-high 21 points para sa Ginebra na tinapos ang kanilang kampanya na may prefect 6-0 record.
Nag-ambag si Zion Carlo Aguilar ng 18 points, tumipa si Jeff Dominic Juangco ng 11, umiskor si Elvin McCoy Pascual ng 9 at nag-ambag si Richmond Marcus Gonzales ng 8 points para sa Batang Gin Kings, na kumarera sa maagang 27-10 kalamangan.
“Maraming salamat sa buong team at sa lahat ng teammates namin. Maraming salamat sa parents namin sa walang sawang pag-cheer at sa Batang PBA for the opportunity to play here,” sabi ni Jazul, na naitala ang unang 10 puntos ng kanyang koponan.
Nakalikom sina Lorenzo Miguel Purugganan at John Dave Mindanao ng tig-10 points para sa Meralco.
Kumana si Ziv Gabriel Espinas, anak ni dating PBA journeyman Gabby, ng game-high 27 points, kabilang ang pito sa OT para sa Batang TJ Titans na binura ang maagang 21-44 deficit.
“Sobrang saya na champion kami. Noong nag-number 2 lang kami sa elims, ‘yun ang ginawa naming motivation para mas maging malakas sa natitira naming mga laro,” ani Espinas.
Nagposte si Aiori Jared Aquino ng 15 points habang kumubra sina Patrick Laurence Pasinos at Zane Xavier Kallos ng tig-11points at nagdagdag si Jose Enrico Santos ng 10 para sa Purefoods, na na-outscore ang Blackwate Red President, 14-9, sa fourth quarter upang ipuwersa ang overtime.
Iskor:
First Game 12-Under
Ginebra (76) – Jazul 21, Aguilar 18, Juangco 11, Pascual 9, Gonzales 8, San Miguel 4, Javier 3, Paras 2, Evangelista 0, Galang 0, Hwang 0, Banate 0, Gan 0, Ngo 0, Norwood 0.
Meralco (72) – Villaruz 16, L. Purugganan 10, Mindanao 10, I. Purugganan 9, Poquiz 9, Delos Reyes 6, Ylen 4, Mercado 3, Albino 2, Francisco 2, Pazcoquin 1, Stehmeier 0, Torroba 0, Rivera 0.
QS: 27-10, 42-25, 58-43, 76-72.
Second Game 14-Under
Purefoods (91) – Espinas 27, Aquino 15, Pasinos 11, Kallos 11, Santos 10, Martin 8, Cagurungan 5, Favis 2, Molina 2, Lopez 0, Tagudin 0, Reyes 0, Coronel 0, Paras 0, Pineda 0.
Red President (87) – Songco 16, Luna 10, Garcia 9, Gimarangan 9, Knowles 8, Caba?ero 8, Se?o 8, Lumague 5, Roxas 4, Bathan 3, Ferriols 3, Sarmiento 2, Sanchez 2, Villar 0.
QS:22-15, 47-40, 65-58, 74-74, 91-87 (OT).