BATANG PBA SUMMER CAMP TAGUMPAY

on the spot- pilipino mirror

NAGING matagumpay ang isinagawang dalawang araw na summer camp ng Batang PBA sa UP CHK GYM sa Quezon City. Lumahok ang mga may edad 8 to 11 sa summer camp na idinaos noong April 6 at kahapon. Babalik pa ang mga bata sa April 13 at 14 para ­ipagpatuloy ang  Batang PBA summer camp. Bale may apat na sessions ito. Ang isa pang grupo ay sa Mayo pa sisimulan. Kung ‘di ako nagkakamali, ito ay ang mga may edad 12 to 15. Namamahala sa naturang summer camp si  Mr. Eric Castro, ang op-eration at technical head sa PBA D-League at professional basketball league.

May kabuuang 600 lamang ang participants sa Batang PBA ngayong taon, unlike last year na halos umabot ito sa 900 kabataan na may edad 8 to 15.   Ayon kay coach Eric, nilimitahan nila ang registration day  dahil sa nangyari last year na nagsiksikan sa gym at naging umaga’t hapon ang pagtuturo ng masisipag na coaches nila mula sa UP.  Kung susumahin, almost  14 years  na ang Ba-tang PBA. Noong panahon ni Noli Eala noong 2004, ang Batang PBA ay basketball tournament lang. Sa mga LGU pa sila ku-mukuha ng participants. Ngayon sa apat na taon ni Mr. Castro, ang Batang PBA ay tinatampukan ng basketall tournament at basket-ball clinic.

Next year ay lalo pang pagbubutihin ng mga coach ang pagtuturo sa BATANG PBA. Ayon pa kay coach Eric, kabilang sa mga participant ang mga anak ng ilang PBA players at ex-PBA players tulad nina Ranidel de Ocampo, Ronald Tubid, Rj Jazul at Larry Fonacier, gayundin ang anak ni coach Chito Victolero. Si Kiefer Ravena ay isa sa mga produkto  ng Batang PBA, gayundin ang Nieto brothers na sina Matt at Mike ng Ateneo Blue Eagles. Sa ngayon, si Ravena  ay nasa NLEX  Road Warriors.

oOo

Nanawagan  si Manny Lopez sa lahat ng sports leaders na magkaisa at magtulungan para maging matagumpay ang 30th South-east Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nob­yembre 30 hanggang Disyembre 11.

Hinikayat din ni Lopez  ang mga atletang Pinoy na ibigay ang lahat ng makakaya para makamit ng bansa ang overall champion-ship sa SEA Games.

Si Lopez ay responsable sa pagkamit ng bansa ng isang pilak at dalawang tanso sa boxing sa Olympics noong maging pinuno ng Amateur Boxing Association of the Philippines.

“In the Southeast Games. we can’t be divided lalo pa’t tayo ang host country,” sabi pa ni Lopez.

‘‘We can’t confront our enemies on a divided front. Iisa lang ang ating minimithi kaya dapat iisa lang ang ­ating gagawin na pa-ghahanda.”

Kumpiyansa naman si Lopez na kaya ng Fi­lipinas na makuha ang overall crown.

“‘Yun mga atleta naman natin, malaki ang paniniwala ko sa kanilang kakayahan. Malaking pagsubok itong SEA Games pero nanriyan naman lagi ‘yung fighting spirit nila,” dagdag pa ni Lopez.

Binatikos naman ni Lopez ang pagtatayo ng P3 bilyong training facility sa Capas, Tarlac at iginiit na dapat itong itayo sa mas mataas na lugar tulad ng Baguio, Tagaytay at Los Baños, Laguna.

“Sobrang init sa Capas, Tarlac and it is not conducive for athletes to train,” ani Lopez.

Comments are closed.