BATANG PIER ‘DI NAKAPORMA SA FUEL MASTERS

Mga laro bukas:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – GlobalPort vs Columbian

7 p.m. – TNT vs Meralco

NAPIGILAN ng Phoenix ang GlobalPort na lumapit sa quarterfinals sa pamamagitan ng 135-108 paglampaso sa PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

‘Full tank’ na dumating sa Big Dome, hindi pinaporma ng Fuel Masters ang Batang Pier at ipinoste ang pinakaimpresibong panalo upang pantayan ang record ng huli sa 4-5.

Ang 135 puntos na kinamada ng Phoenix ang pinakamataas sa conference.

Tumapos si Eugene Phelps na may 37 points, 23 rebounds at 10 assists upang tanghaling ‘Best Player of the Game’.

Pinangunahan ni Matthew Wright ang opensiba ng Phoenix, kasama sina RJ Jazul, JC Intal, William Wilsons at Jayson Perkins.

“It was a team effort. All of them contributed to the win. Our offense and defense clicked. I couldn’t ask for more,” sabi ni coach Louie Alas.

Dinala ni Stanley Pringle ang kanyang team subalit bigong makakuha ng solidong suporta sa kanyang mga kasamahan sa lungkot ni coach Pido Jarencio.

Ginawa ni Jarencio ang lahat subalit hindi nag-click ang kanyang diskarte at mistulang pinaglaruan ang kanyang tropa ng Fuel Masters.

Naitala ng Phoenix ang pinakamalaking kalamangan, 107-74,  sa pananalasa nina JC Intal, Michael Gamboa at Wright matapos iposte ang ­unang malaking bentahe sa  87-54 sa 12-0 run, kasama ang tres nina Wright at JC Intal, unmolested dunk ni import ­Eugene Phelps at free throws ni Gamboa sa foul ni Moala Tautuaa, sa unang limang minuto ng third period. CLYDE MARIANO

Iskor:

Phoenix (135) – Phelps 37, Wright 24, Perkins 13, Jazul 11, Revilla 9, Intal 9, Gamboa 9, Kramer 6, Wilson 6, Dehesa 4, Guevarra 3, Chua 2, Mendoza 2, Eriobu 0.

GlobalPort (108) – White 24, Anthony 15, Pringle 14, Javelona 10, Pringle 9, Grey 9, Elorde 9, Guinto 8, Arana 7, Tautuaa 6, Gabayni 2, Flores 2, Nabong 1, Bulawan 0.

QS: 41-22, 70-51, 107-77, 135-108

Comments are closed.