BATANG PIER HUMIHINGA PA

BATANG PIER

Mga laro sa Miyerkoles:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – Alaska vs NorthPort

7 p.m. – Ginebra vs Meralco

 DINUROG ng NorthPort  ang Talk ‘N Text, 109-83,  upang mapanatiling buhay ang kanilang kampanya para sa susunod na round sa PBA Philippine Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Matapos ang 2-0 simula, nalasap ng NorthPort ang anim na sunod na kabiguan at nasa bingit ng pagkakasibak.

Umangat sa 3-6 kartada, ang NorthPort ay may pag-asa pa sa playoffs, habang pinigilan ang KaTropa sa twice-to-beat playoff incentive.

Sa pagbagsak sa 7-4, ang TNT ay magkakasya sa best-of-three quarterfinals dahil ang bonus ay mapupunta sa second placer Rain or Shine,  na tinapos ang  elimination round na may 8-3 record.

Nanguna si Stanley Pringle na may 27 points at 9 rebounds, habang nag-ambag si Robert Bolick ng 8 points, 12 rebounds at 7 assists sa panalo kung saan umabante ang NorthPort ng hanggang 31 points, 109-78.

Lamang ang Batang Pier ng 6 points lamang matapos ang maiden period bago sila kumawala papasok sa halftime sa pagtarak ng 22 puntos na bentahe, 53-31.

Gumawa si Sean Anthony ng 14 points, 7 rebounds at 4 assists mula sa  bench, at nagposte sina Mo Tautuaa at Paolo Taha ng tig-13 points at nagdagdag si Lervin Flores ng 11 points at 3 rebounds para sa NorthPort.

Kumamada si Don Trollano ng 15 points at 7 rebounds para sa TNT, na naputol ang five-game winning streak papasok sa playoffs.  CLYDE MARIANO

Iskor:

NorthPort (109) – Pringle 27, Anthony 14, Tautuaa 13, Taha 13, Flores 11, Grey 9, Bolick 8, Elorde 8, Lanete 6,.

TNT (83) – Trollano 15, Washington 13, Pogoy 10, Cruz 7, Reyes 7, Castro 7, Rosario 6, Miranda 6, Taha 5, Williams 4, Golla 2, Semerad 1.

QS: 22-16, 53-31, 82-61, 109-83.

Comments are closed.