BATANG PIER NAGPARAMDAM

NORTHPORT-3

Mga laro bukas:

(Cuneta Astrodome)

4:30 p.m. – Columbian vs San Miguel

7 p.m. – Rain or Shine vs NLEX

NAGING maganda ang simula ng kampanya ng NorthPort sa 2019 Philippine Cup nang ilampaso ang Blackwater, 117-91, kagabi sa Araneta Coliseum.

Ipinakita ni rookie Robert Bolick na kaya niyang makipagsabayan sa mga beterano at dinala ang Batang Pier sa impresibong panalo sa pagkamada ng game-high 26 points.

Inamin ni coach Pido Jarencio na mabigat ang kanilang laban subalit ang kanilang panalo sa Blackwater ay nagpapakita na nasa tamang direksiyon ang kanyang tropa.

“The win is a morale boost to us. Hopefully, we will sustain the momentum and stay on the right track in our title quest,” sabi ni Jarencio.

“We wound up seventh overall last year. Hopefully, we can sustain our win and surpass our seventh overall finish last year,” dagdag pa niya.

Ayon kay Jarencio, maganda ang chemistry nila at nakapokus sa laro ang kanyang mga player.

Nag-ambag sina Paolo Taha ng 21 points, Sean Anthony ng 19, skipper Stanley Pringle ng 16, Bradwyn Guinto ng 12, at  Moala Tautuaa ng 11 points.

Dinomina ng NorthPort  ang halos lahat ng departamento, umiskor ng 38 of 61 sa two-point area at 14 of 21 sa charity lane, humakot  ng 54 rebounds at nagbigay ng 26 assists.  CLYDE MARIANO

Iskor:

NorthPort (117) – Bolick 26, Taha 21, Anthony 19, Pringle 16, Guinto 12, Tautuaa 11, Elorde 5, Flores 4, Arana 3, Gabayni 0, Sollano 0.

Blackwater (91)  – Tratter 18, Sumang 16, Maliksi 13, Javier 11, Belo 8, Digregorio 5, Jose 5, Desiderio 5, Alolino 4, Sena 2, Banal 2, Eriobu 2, Palma 0, Dario 0.

QS: 22-31, 55-48, 88-75, 117-91.

Comments are closed.