Mga laro bukas:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – Columbian vs Meralco
7 p.m. – Ginebra vs Blackwater
NAPIGILAN ng NorthPort ang Alaska sa pagsungkit ng ikalawang sunod na panalo sa pamamagitan ng 103-81 lopsided win sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Ynares Center sa Antipolo.
Dinomina ng Batang Pier ang laro kung saan 12 beses itong lumamang ng double digits, ang pinakamalaki ay 24 points sa 6-0 run, kasama ang three-point play ni import Prince Ibeh.
Umiskor si Ibeh ng 19 points at nalimitahan si Chris Daniels sa dalawang puntos sa third quarter sa likod ng kanyang mala-pader na depensa.
Tumipa si Filipino-American Sean Anthony ng 22 points, 6 rebounds at 2 steals upang muling tanghaling ‘Best Player of the Game’.
“I played my best out there because I want my team. It’s pretty good we made it,” sabi ni Anthony.
Naging revelation sa laro si prized rookie Robert Bolick nang makipagsabayan siya sa mga beterano.
Si Bolick ang nagbigay sa NorthPort ng unang double digit na kalamangan, 28-18, sa kanyang tres at hindi na binitawan ng Batang Pier ang trangko tungo sa panalo.
Itinalaga ni Alaska coach Alex Compton si JV Casio para apulahn si Bolick subalit bigo ang dating San Beda hotshot.
Sobrang saya ni coach Pido Jarencio sa ipinakita ng kanyang tropa. CLYDE MARIANO
Iskor:
NorthPort (103) – Anthony 22, Bolick 19, Ibeh 19, Grey 13, Tautuaa 12, Taha 9, Elorde 5, Arana 4, Flores 0.
Alaska (81) – Daniels 21, Enciso 10, Ayaay 10, Cruz 9, Casio 8, Baclao 7, Exciminiano 6, Thoss 4, Teng 2, Pascual 2, Racal 2, Galliguez 0, Babilonia 0.
QS: 28-21, 51-42, 75-66, 103-81
Comments are closed.