BATANG PIER NAISAHAN NG DYIP

DYIP VS NORTHPORT

Laro ngayon:

(Calasiao Sports

Complex)

5 p.m. – Barangay

Ginebra vs Rain or Shine

BINIGO ng Columbian ang hangarin ng NorthPort na sumalo sa lide­rato sa pamamagitan ng 110-100 panalo sa pagpapatuloy ng aksiyon sa PBA Philippine Cup  kagabi sa Ynares Center sa Antipolo, Rizal.

Masama ang loob sa pagkatalo sa bumabanderang Phoenix sa kanilang ikalawang laro makaraang gulantangin ang defending champion San Miguel Beer, pinagbalingan ng Dyip ang Batang Pier para sa kanilang ikalawang panalo sa tatlong laro at ipalasap sa North Port ang unang kabiguan.

Sa pagkatalo ng NorthPort ay napanatili ng Phoenix ang solo lead na may 3-0 kartada.

Umiskor si Rashawn McCarthy ng 14 points at humugot ng 6 rebounds upang tanghaling ‘Best Player of the Game’ sa unang pagkakataon.

“I have to play my best out there to make my team win. I’m happy, I did it,” sabi ni McCarthy, isa sa dalawang Fil-Am players sa koponan ng Co-lumbian Dyip.

Nag-ambag si Jeepy Faundo ng 16 points at 7 rebounds sa tuwa  ni coach Johnedel Cardel.

“Everybody stepped up. All of them consolidated their efforts and pulled their resources to win the game. I’m glad, they did it,” sabi ni Cardel.

Sumablay ang NorthPort sa apat na tira at nagmintis si Stangley Pringle sa tres at nakagawa ng dalawang errors sa loob ng limang minuto, na na­ging dahilan ng pagkatalo ng Batang Pier.

Nag-full court press ang Batang Pier sa hu­ling apat na minuto para lituhin ang Dyip subalit hindi ito umubra at kinuha ng Dyip ang panalo.   CLYDE MARIANO

Iskor:

Columbian (110) – Faundo 15, Corpuz 15, Celda 15, McCarthy 14, Calvo 12, Perez 12, Camson 12, Reyes 8, Escoto 4, Khobuntin 3, Cahilig 0, Agovida 0.

NorthPort (100) – Pringle 29, Tautuaa 23, Anthony 19, Grey 11, Elorde 5, Guinto 4, Taha 4, Bolick 3, Gabayni 2, Flores 0, Arana 0, Lanete 0, Sollano 0.

QS: 24-28, 51-55, 86-79, 110-100

Comments are closed.