BATANG PIER PINAYUKO ANG KINGS

pba

Mga laro ngayon:

(Ynares Arena – Pasig)

5 p.m. – Meralco vs Terrafirma

7:30 p.m. – San Miguel vs Converge

NAGING tuntungan ng NorthPort ang 18-0 blast sa second period upang pataubin ang Barangay Ginebra, 101-95, at maitala ang ikatlong sunod na panalo sa PBA on Tour kagabi sa Batangas City Coliseum sa Batangas City.

Mula sa pagiging winless matapos ang dalawang laro, ang tropa ni Bonnie Tan ay nasa ibabaw ngayon ng .500 mark sa pre-season meet na may 3-2 kartada.

Ipinalasap nila sa Gin Kings ang ikatlong pagkatalo sa apat na laro.

Nagbida si Letran star at draft hopeful Fran Yu sa streakextending win, sa pagkamada ng 21 points, tampok ang six-of-10 three-point shooting, at 8 assists.

Isinalpak ni Yu ang tatlo sa kanyang tres at ipinasok ang dalawang clutch free throws sa final canto upang maitala ang kalamangan at maapula ang mainit na paghahabol ng Ginebra.

Sinuportahan siya nina JM Calma at Paul Zamar, na umiskor ng tig-16 points, Arvin Tolentino, kumubra ng 15 points, 9 boards at 4 blocks, at Joshua Munzon, tumapos na may 8 markers, 9 rebounds at 10 dimes.

Bumawi mula sa three-point outing sa kanilang huling laro, nagbuhos si Ginebra’s Jeremiah Gray ng 26 points ngunit nabigo ang Kings na maitala ang back-to-back wins at sa halip ay nahulog sa 1-3.

CLYDE MARIANO

Iskor:

NorthPort (101) – Yu 21, Zamar 16, Calma 16, Tolentino 15, Munzon 8, Bauzon 8, Salado 8, Ayaay 5. Balagasay 2, Comboy 2, Gabriel 0, Olivario 0.

Ginebra (95) – Gray 26, Pessumal 16, David 15, Pinto 14, Mariano 10, R. Aguilar 9, Onwubere 3, Gumaru 2, Dillinger 0, Cu 0, Aurin 0.

QS: 17-32, 45-41, 68-63, 101-95.