BATANG PIER PINULBOS ANG ELITE

Batang pier

Mga laro ngayon:

(Batangas City Coliseum)

4:30 p.m. – Columbian vs Rain or Shine

6:45 p.m. – Ginebra vs NLEX

SINAMANTALA  ng NorthPort ang pagkawala ng import  ng Blackwater upang itarak ang  127-99 panalo at muling sumalo sa lide­rato sa Talk ‘N Text  na may 7-1 kartada sa PBA Commissioner’s Cup kahapon sa  Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ang impresibong panalo ay naghatid  sa Batang Pier sa quarterfinals kasama ang Texters na kanilang tinalo, 110-86, noong nakaraang  Mayo 29 sa  Mall of Asia Arena.

Ito ang ika-5 sunod na laro na umiskor  ang NorthPort ng mahigit sa 100 points at ang 127 ang pinakamalaki makaraang manahigitan  ang 121 na kinamada nang  talunin ang reigning Philippine Cup champion San Miguel Beer noong Hunyo 5.

Pinalakas ng  4-player trade, kasama sina Kevin Ferrer, Jervy Cruz at Solomon Mercado ng defending champion Barangay Ginebra, dinomina ng Batang Pier ang laro at ipinoste ang lopsided win. Nalasap ng Blackwater ang ikatlong kabiguan sa walong laro kung saan naglaro ito na wala si import Alexander Stephenson.

Bumalik si Stephenson sa US at ang kanyang kapalit ay nakaupo lamang sa bench at pinanood  ang kanyang teammates.

Hindi binigo si coach Pido Jarencio ng kanyang dating players sa UST na sina Ferrer at  Cruz at ipinakita kung  gaano sila kahalaga sa title campaign ng NorthPort na matagal nang inaasam-asam ni Jarencio.

Tumipa si Ferrer ng 23 points, 5  rebounds at 6 assists upang tanghaling ‘Best Player of the Game’  sa una niyang appearance sa NorthPort.

“Ginawa ko ang lahat dahil ayaw kong mabigo sa una kong paglalato sa NorthPort at bigyan ng kasiyahan ang dati kong  coach sa UST. Kailangang maging  kumpiyansa ako sa loob ng court at ibigay ang lahat para manalo ang team ko,” sabi ni Ferrer.

Lumamang ang Batang Pier ng 16 points, 42-38, sa 7-0 run sa kabayanihan nina Ferrer, Cruz, import Prince ibeh, Sean Anthony at Mercado tungo sa 54-39 halftime lead.

Dinomina  ni  Ibeh ang paint at nagsalitan sina  Abu Tratter, Hussein AlRabbeh at Chris Javier sa pagpigil sa  kaliweteng  import ng NorthPort su­balit bigo ang mga ito sa lungkot ni coach Aries Dimaunahan.

“Mahirap talagang manalo walang import,” pailing na sinabi  ni Dimaunahan habang naglalakad pabalik sa dugout.                             CLYDE MARIANO

Iskor:

Northport (127) – Ferrer 23, Anthony 22, Bolick 16, Cruz 16, Mercado 14, Ibeh 10, Taha 10, Tautuaa 8, Lanete 8, Gabayni 0.

Blackwater (99) – Parks 25, Al-Hussaini 16, Digregorio 10, Maliksi 10, Belo 10, Tratter 6, Alolino 5, Sumang 5, Desiderio 5, Javier 4, Salem 3, Cortez 0, Sena 0, Jose 0.

QS: 29-21, 54-39, 86-65, 127-99

Comments are closed.