BATANG PIER SALO SA LIDERATO

Batang pier

Mga laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – Blackwater vs Columbian

6:45 p.m. – Meralco vs Ginebra

 

NAGING sandigan ng NorthPort si Sean Anthony para maitakas ang 83-79 panalo laban sa NLEX at sumalo sa liderato sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Umiskor si Anthony ng follow-up sa mintis ni rookie Robert Bolick, 81-79, at kumalawit ng defensive rebound at naipasok ang dalawang free throws para tulungan ang Batang Pier na mapanatili ang malinis na record sa 2-0.

Tumipa si Anthony ng 17 points at anim na rebounds upang makopo ang ikalawang sunod na ‘Best player of the Game’ award, ang una ay laban sa Alaska.

“I saw the ball hit the board. I jumped with follow up it. It’s timely,” sabi ni Anthony.

Tumawag ng timeout si coach Yeng Guiao at ikinasa ang final offensive play  subalit sumablay ang tres ni John Paul Erram para selyuhan ang kanilang kapalaran.

Dikit ang laban kung saan dalawang beses itong nagtabla sa 65 at  79 sa  huling siyam na minuto at na-outshoot ng Batang Pier ang Road Warriors, sa pangunguna nina Anthony, Juan Nicolas Elorde at import Prince Ibeh.

Binasag ng Batang Pier ang 65 pagtatabla at umabante sa 71-65, subalit inagaw ng NLEX ang trangko, 74-71. Muling kinuha  NorthPort ang bentahe sa 78-74, may 1:54 ang nalalabi.

Muling nagtabla sa 79 ang laro sa tres ni Erram bago ang last heroics ni Anthony.

“We secured the win through the hard way. They courageously fought and engaged the enemy shot for shot. They refused to fold up when the game was on the line,” sabi ni coach Pido Jarencio.

“I praised my players for their head up play especially Sean (Anthony) for his heroics,” wika ni Jarencio na katuwang si dating Lyceum coach Bonnie Tan sa pagmamando sa Batang Pier. CLYDE MARIANO

Iskor:

NorthPort (83) – Bolick 18, Anthony 17, Ibeh 15, Tautuaa 14, Taha 10, Elorde 6, Grey 3, Lanete 0, Gabayni 0.

NLEX (79) – Ighalo 18, Soyud 12, Galanza 11, Erram 10, Fonacier 7, Tiongson 6, Paniamogan 5, Magat 4, Paredes 2,  Baguio 2, Lao 2, Taulava 0, Rios 0, Tallo 0.

QS: 18-25, 35-43, 59-57, 83-79

Comments are closed.