BATANGAS PNP GANAP NANG INSTITUTIONALIZE SA PGS PATROL PLAN 2030

BATANGAS CITY-Ginawaran ng Silver Eagle Award sa Institutionalization Evaluation Process at “Institutionalized” Status sa Batangas Police Provincial Office na pinamumunuan ni PCOL Samson B Belmonte.

Inilunsad ang programa na nakapaloob sa PGS PATROL PLAN 2030 sa Dreamzone, Provincial Capitol, Hilltop, Batangas City kamakailan.

Nakamit ng Batangas Police ang 91.56% na rating.

Ang programa ay pinangunahan ni Police Colonel Mariano C Rodriguez Chief of Regional Staff ng Police Regional Office 4A at Chief, Regional Police Strategy Management Unit kasama ang Regional Advisory Group for Police Transformation and Development Member na si Mrs. Teresita M. Leabres at ang Provincial Advisory Group Chairman na si Dr. Rolando A. Tumambing.

Dumalo rin at naging panauhin sa programa si Batangas Gobernor Hermilando I. Mandanas,kasama ang kanyang bise.

Ang Institutionalized Status ay nangangahulugang nakikita na ang magandang resulta mula sa mga layunin ng organisasyon ng PNPsa pamamagitan ng Good Governance. BONG RIVERA