BATANGAS TARGET NG PBA PARA SA TEAM PRACTICES

Alfrancis Chua

DETERMINADO pa rin ang PBA na idaos ang season-opener sa Hunyo at kinokonsidera nito ang mga lugar na nasa ilalim ng mas maluwag na quarantine status para pagdausan ng scrimmages sa Mayo.

Target ni San Miguel Corp. sports director at Ginebra governor Alfrancis Chua ang Batangas dahil sa proximity at accessibility nito at sa availability ng tatlong wooden playing venues sa lungsod.

Kung aayon ang sitwasyon, nais din ni Chua na isagawa ang season sa ilalim ng isang closed-circuit setup sa Batangas.

“Ang lapit lang ng Batangas, at mabilis puntahan using the Skyway at STAR Tollway,” sabi ni Chua. “Importante maka-scrimmage at nakapagsimula na if we’re opening the season in June.”

Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na naghahanap sila ng paraan para maidaos ang season sa Hunyo nang sa gayon ay magkaroon ng two-conference format na magtatapos sa Disyembre o Enero 2022.

Naghanda na sila ng liham sa Inter-Agency Task Force, na umaapela na payagan ang PBA teams na simulan ang scrimmages sa NCR Plus area sa sandaling luwagan ang quarantine status.

“Tingnan natin kung ano ang sagot ng IATF. Malamang ipatawag kami in a meeting, and we have to defend our appeal,” ani Marcial.

Habang hinihintay ang pag-downgrade sa MECQ status, ang PBA ball clubs ay pinapayuhang mag-ensayo sa ibang lugar.

“But teams, kailangan nila ng approval from the task force, pasok sa JAO (Joint Administrative Order), approval from the LGU (local government unit) at ‘yung protocols nila,” sabi pa ni Marcial.

Nakatakdang bumisita sina Marcial at Chua sa Batangas sa Sabado para makipagpulong sa mga city officials.

“Puwede silang maghanap ng ibang lugar, but then again they have to satisfy the requirements,” dagdag pa niya. CLYDE MARIANO

2 thoughts on “BATANGAS TARGET NG PBA PARA SA TEAM PRACTICES”

  1. 954569 447062I merely couldnt go away your site before suggesting that I truly enjoyed the normal information an individual give on your visitors? Is gonna be back regularly as a way to inspect new posts. 342822

Comments are closed.