BATAS PARA SA KAPAKANAN NG OFWs PINARE-REVIEW

Bong Go

HINILING ni Senador Christopher ‘Bong’ Go sa kapwa nito mambabatas at mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan at maging ang iba pang stakeholders na rebyuhin ang mga batas kaugnay sa concern ng overseas Filipino workers (OFWs)  sa dagdag sa premium contributions.

Sa kanyang opening statement sa Joint Congressional Oversight Committee  kaugnay sa Universal Health Care Law, sinabi ni Go na kailangan ng bansa  na masiguro  ang  funding na bubuhay sa programa para sa healthcare ng mga tao.

Gayunpaman, iginiit ni Go na kailangan ding ikonsidera ang krisis na nararanasan ng buong mundo dahil sa COVID-19 pandemic.

Ipinaliwanag ni Go na maraming paying members tulad ng mga OFW ang  hindi kayang magbayad ng  mataas na premi-ums ngayon dahil sa krisis bunsod ng mga nagsarang trabaho.

Dagdag ni Go, ito ang dahilan kaya ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawin muna itong voluntary dahil sa sitwasyon ngayon.

Dapat aniya munang mag-focus ang lahat  kung paanong matutulungan  ang mga kababayang nangangailangan dahil sa COVID-19 crisis.

Sa nasabing hearing din tinanong ni Go ang PhilHealth kung anong mga hakbang na ang nagawa ng mga ito kasunod ng direktiba ni Pangulong Duterte kung saan tiniyak ng presidente nitong  si Ricardo Morales na  nakapag-isyu na sila ng advisory para masigurong voluntary ang pagbaba­yad ng  premiums. VICKY CERVALES

Comments are closed.