BATAS VS TERORISMO DAPAT NANG I-UPGRADE – DND

terorista

CAMP AGUINALDO – KASABAY ng mainit na usapin hinggil sa mga kabataang sumasama sa mga progresibong organisasyon at pagbuhay sa Anti-Subversion Law may mungkahi naman si Defense Secretary Delfin Lorenzana para matuldukan ang tero­rismo.

Ito ay ang pagsulong ng kalihim na dagdagan ang ngipin ng batas kontra tero­rismo.

Aniya, sa ilalim ng Human Security Act of 2007 o batas laban sa terorismo, pinapayagan ang wiretapping sa telepono ng isang pinagdududahang terror suspect.

Subalit kailangang may permiso ito ng Court of Appeals at puwede lamang itong tumagal ng hindi lampas sa 30 araw.

Ayon kay Lorenzana, ang nasabing batas ay magagamit noon na hindi pa uso ang cellphone at dahil sa bilis ng teknolohiya sa komunikasyon, dapat din aniyang i-upgrade na ang batas. EUNICE C.

Comments are closed.