BAWAL na ang paggamit ng cellphone partikular ang “incoming at outgoing calls” gayundin ang pagsasalita o pakikipagkuwentuhan sa loob ng MRT-3.
Ito ang nakapaloob sa abisong ipinalabas ng pamunuan ng MRT-3 na kung saan ay bawal ang pagsagot ng digital devices gaya ng cellphone at bawal din ang pagsasalita sa loob ng tren.
Layon nito na maiwasan ang posibleng pagkalat at pagkahawa ng virus sa mga commuter.
Anila, maaaring maging sanhi ng pagkahawa sa virus ang respiratory droplets na nanggagaling sa pagsasalita, pag-ubo at pagbahing kaya’t pinapaalalahanan din ang mga pasahero na panatilihing nakasuot ang face mask.
Gayundin, magkakaroon na rin ng contact tracing sa mga pasahero na kung saan ay magbibigay ng health declaration forms ang MRT-3 sa mga pasahero.
Ibibigay ang form sa mga pasahero habang nakapila at bago pumasok sa sa loob ng estasyon ng tren.
Comments are closed.