MAKAAAPEKTO ang pag-aalboroto ng Bulkang Taal sa suplay ng tilapia sa Metro Manila, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Sa pagtaya ng BFAR, may 15,033 metric tons ng fish supply mula sa Taal Lake ang nawala, at maaaring mabawasan ang suplay ng tilapia sa Metro Manila.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang mga isda mula sa Taal Lake ay hindi ligtas kainin dahil maaaring naapektuhan ng sulfur mula sa ibinugang abo ng Bulkang Taal ang mga isda roon.
Sinabi ng BFAR na naghahanap na sila ng mapagkukunan ng tilapia mula sa ibang rehiyon kasunod ng pinsala ng Bulkang Taal sa fish cages sa Batangas.
Tutulungan din ng bureau ang mga apektadong fish producers sa pamamagitan ng pagkakaloob ng fingerlings ng tilapia at iba pang isda sa sandaling bumalik sa normal ang sitwasyon sa Taal Lake.
“Moreover, BFAR will be providing production loan for tilapia producers in Central Luzon to intensify production,” anang BFAR.
Sa ulat ng Department of Agriculture (DA), ang pinsala ng Bulkang Taal sa agrikultura ay pumalo na sa P577.6 million.
“The volcano’s unrest has affected 2,772 hectares of farmland which grow rice, corn, coffee, cacao, banana, and other high-value crops,” ayon sa DA.
Hindi bababa sa 1,967 animal heads ang naapektuhan din.
Ayon sa DA, ang kanilang Calabarzon office ay mamamahagi ng P21.7-million na halaga ng combined interventions para sa crops at livestock sa 17 local government units na naapektuhan ng pagsabog – Agoncillo, San Nicolas, Talisay, Lemery, Laurel, Lipa City, San Jose, Nasugbu, Mataas na Kahoy, Balete, Cuenca, Alitagtag, Padre Garcia, Tanauan City, Malvar at Taal.
“These interventions include provision of livestock for restocking and rice and corn seeds, high-value crops planting materials and other production inputs,” anang DA.
Samantala, plano ng Bureau of Plant Industry (BPI) na mamahagi ng kabuuang 5,000 coffee mother plants at 1,000 cacao seedlings. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.