BAYAD SA POLL WATCHERS ILIBRE SA BUWIS

Joey Sarte Salceda

PASADO na sa ‘se­cond reading’ ng Kamara ang panukalang batas na naglalayong ilibre sa buwis and bayad sa mga kabilang sa mga Élection Board of Inspectors (BEI) at iba pang mga nagsisilbi sa eleksiyon, na karamihan ay  mga guro.

Binalangkas at inihain ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee, layunin ng House Bill 9652 na amyendahan ang 1997 National Internal Reve­nue Code at huwag nang isama sa taunang kita at buwisan pa ang mga ba­yad sa mga naglilingkod sa panahon ng halalan.                                                                                                                         . Tinawag ni Salceda ang naturang mga poll watcher na ”Democracy Frontliners” na nais niyang masiglang pakinabangan ang bayad sa kanila at kilalanin ang napakahalaga nilang paglilingkod tuwing may halalan, lalo na sa susunod na taon kung kailan manganganib pa sila sa pandemya.

Nais niyang maapruba agad ang  HB 9652 para umabot ito sa 2020 election.

“Dahil nga sa mga panganib na susuungin ng mga election workers at maliit lang ang bayad sa napakahalagang papel nilang gagampanan at maliit din naman ang sisi­ngiling buwis sa kanila, ang panukalang ito ay hindi malaking kawalan sa pondo ng pamahalaan,” madiin niyang paliwanag.

Ayon sa mga datos ng Commission on Elections (Comelec), ang buwis na kinaltas sa kanila noong 2019 Pambansa at Lokal na halalan ay umabot sa P56.8 million. “Hindi ito kalakihan at katumbas lamang marahil ito sa ibabayad dapat ng isang bigtime tax evader,” dagdag ni Salceda.

“Ang pagbibigay ng karampatang bayad sa      ating mga poll workers ay mahalagang susi tungo sa malinis at patas na halalan sa 2022. Susuong sila sa mga panganib na dulot at banta ng COVID-19 kaya dapat ding bigyan sila ng kaukulang proteksiyon,” giit ng mambabatas.

Pinuna ni Salceda na dapat mabakunahan agad ang mga magsisilbing poll watchers at bigyan ng karagdagang benepisyo kung sila’y mahawahan ng CO­VID-19 sa panahon ng halalan.

“Maaaring magkaroon tayo ng hawahan ng Covid-19 sa panahon ng eleksiyon, bagama’t umaasa akong magkakaroon na tayo ng ‘herd immunity’ bago sumapit iyon,” sabi niya.

“Ang mga election workers ay mga democracy frontliners’ natin. Bigyan natin sila ng ka­rampatan at patas na bayad sa kanilang serbisyo, at tiyakin nating ligtas sila,” pahuling pahayag ni Salceda.

131 thoughts on “BAYAD SA POLL WATCHERS ILIBRE SA BUWIS”

  1. Generic Name. Comprehensive side effect and adverse reaction information. https://avodart.science/# where to get generic avodart without dr prescription
    Definitive journal of drugs and therapeutics. Long-Term Effects.

  2. Some are medicines that help people when doctors prescribe. п»їMedicament prescribing information.
    https://levaquin.science/# can i purchase generic levaquin
    Comprehensive side effect and adverse reaction information. Drugs information sheet.

  3. Comprehensive side effect and adverse reaction information. Everything what you want to know about pills.
    https://viagrapillsild.online/# viagra stories
    Some are medicines that help people when doctors prescribe. Prescription Drug Information, Interactions & Side.

  4. Learn about the side effects, dosages, and interactions. All trends of medicament.
    https://tadalafil1st.com/# cialis super active vs professional
    Read now. drug information and news for professionals and consumers.

Comments are closed.