BAYAN SA REGION 2 DRUG CLEARED

DRUG CLEARED

ISABELA – IDINEKLARA ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2 bilang drug cleared ang bayan ng San Manuel.

Ayon kay PDEA Regional Director Emerson Rosales, ang deklarasyon ng pamunuan ng PDEA ay dumaan sa masusing balidasyon ng ahensiya, PNP at ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Dumalo sa seremonya ng deklarasyon si Mayor Manuel Faustino Dy, MADAC Chairman, Vice Mayor Gloria Velasco, kabilang ang mga sangguniang bayan at mga punong barangay.

Kabilang sa dumalo ay si Asst Regional Director DILG Elpidio Duruin, Jr. P/Col. Ronaldo Bayting, Deputy Director for Operation PRO-2.

Sakop ng validation ang 19 na barangay kung saan 11 dito ang apektado ng droga habang 5 naman ang hindi apektado sa usapin ng droga.

Kinilala ito bilang ika-10 na bayan sa lalawigan ng Isabela na drug cleared municipality sunod sa mga bayan na malinis na sa usapin nang ipinagbabawal na gamot.

Ayon pa kay Rosales, ay ipagpapatuloy nila ang balidasyon sa mga bayan ng lalawigan ng Isabela na naglalayong tuluyang mawala ang mga guma­gamit ng droga. IRENE GONZALES