MARAMI ang nagtatanong kung bakit hindi raw napapasama ang komedyanteng si Bayani Agbayani sa number one Primetime Bida ng Kapamilya Network na “Ang Probinsyano.” Hindi raw ba siya inaalok?
Ayon sa komedyanteng actor sa Tonight With Boy Abunda, kung tutuusin nga raw ay ilang beses siyang nakatanggap ng tawag mula sa staff ng ‘AP.’
Dapat pa nga raw ang magiging role niya ay bilang ama ni Jessy Mendiola. Tumanggi umano dahil may teleserye pa siyang ginagawa, ang ‘Sana Dalawa Ang Puso Ko’ na pinagbibidahan noon nina Jodi Sta. Maria at Robin Padilla.
Eksplenasyon niya oras raw ang dahilan kaya nag-beg off siya. Ilang linggo ang nakalipas ay muli raw siyang binalikan ng ‘AP’ para sa isang napa-ka-importanteng role, pero hindi pa rin daw natatapos ang ‘SDAPK.’
Katunayan sinasabihan daw siya ng kanyang kapwa-artista na, “si Coco Martin tinatanggihan mo? Coco Martin! Alam mo kung gaano kabait si Co-co Martin?”
Kuwento pa ni Bayani nang nagkita sila sa CR ni Coco na nagbibihis, sinabihan umano siya “Kuya Yani, sama ka sa ‘Ang Probinsyano.’ After mga two weeks, tinawagan na ako. Kaya lang nasabay yung ‘Sana Dalawa Ang Puso’ na daily rin. “Eh ang taping namin sa ‘Sana Dalawa Ang Puso,’ Mondays, Wednesdays, Fridays. Ang taping po ng ‘Ang Probinsyano’ ay M/W/F din. Hindi lang po nagkakatagpo.”
DANNI BARRETTO NAGLABAS NG SAMA NG LOOB SA AMANG SI KIER LEGASPI
SA vlog ni Danni Barretto, ibinahagi niya ang relasyon niya sa amang si Kier Legaspi.
Aniya, ilang taon na silang hindi in good terms ng ama.
Hindi raw kasi nag-e-effort ang ama na maging malapit sila sa isa’t isa kaya nasasaktan siya.
Paglalahad ni Dani: “When it comes to my dad and I, I haven’t spoken to my dad in six years. The last time we spoke, we were not in good terms.
“And up until now, we’re still not in good terms. And to be honest, my dad and I never really had a solid relationship. All I know is that he’s my dad and that’s it.
“We had like a brief relationship, which was like two months. And it was nice, cause like… I’m not gonna say naman na I didn’t love him or I’m not gonna say I don’t love him.
“It’s just that I guess when you’re apart for so long and you already grew up and nasanay ka na na wala ‘yung tao sa life mo, you just feel like, not naman that you don’t need the person, but it’s more like you’re okay without him…
“You really can’t judge how I feel or how I see things because you’re not in the same situation as me. If you are and you reacted in a different way, magkaiba tayo, we all handle pain differently.
“In my end, I’ve been hurt a lot of times by this person. And not that I’m blaming him for everything. I probably have faults too. But at the end of the day, I’ve been wanting an effort out of him but I never got it.
“So as a child, siyempre lahat tayo kung may tatay ka ‘tas ang tagal mong hindi nakikita yung tatay mo, ‘tas hindi ka naman nag-e-effort, siguro na-man pwede akong magka-bubog. Hindi naman pwedeng porke’t tatay ko ‘yun, okay na lahat lagi. Hindi ganun, nasaktan ako eh.”
MARJORIE MAGHAHATID KAY DANNI SA ALTAR
May nagtanong na netizen kung sino ang makakasama niya to walk the aisle.
Sagot ni Dani: “My mom (Marjorie Barretto) is walking me down the aisle. She is most deserving to walk me down the aisle.”
But how true na preggy na raw ang elder sister ni Julia Barretto?
May post ang handle na si @mhaypanlilio (surname niya ay same as Dani’s fiancé, Xavi) beautiful @danibarretto can have this look on her wed-ding! Para hindi obvious plump cheeks niya since pregnant na siya now. Please tell her. She’ll love this.
Anyway, kung totoo man eto, nabanggit din naman ni Dani sa kanyang vlog na handa na siyang magbuntis anytime.
Comments are closed.