PINANGUNAHAN ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Camilo Pancratius P. Cascolan at Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) President Ambassador Benedicto Yujuico ang paglulunsad ng “Bayaning Pulis Foundation”.
Sa pamamagitan ng virtual launching ceremony, sinaksihan ni Interior and Local Government Assistant Secretary Manuel Felix, kumatawan kay Secretary Eduardo Año ang paglagda sa articles of incorporation ng foundation.
Ito ang kauna-unahang foundation na itinatag para magbigay ng scholarship o educational support mula elementarya hanggang kolehiyo sa mga anak ng mga pulis na nagbuwis ng buhay o “permanently incapacitated” sa pagganap ng kanilang tungkulin.
Ayon kay Cascolan, ang pagtatatag ng foundation ay isang milestone sa P.A.T.R.O.L. Plan 2030, na nakatutok sa “welfare” ng pamilya ng mga PNP personnel. EUNICE C.
Comments are closed.