‘BBB’ PROJECTS LIGTAS

DTI-BBB

TINIYAK ng Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko na ang mga bakal at construction materials na ginagamit ng mga contractor sa ‘Build Build Build’ projects ay ligtas at maaasahan kasunod ng pagguho ng isang flood control project sa Pampanga River.

Ayon sa Bureau of Philippine Standards (DTI-BPS) ng DTI, kailangang kumuha ng domestic manufacturers ng Philippine standard (PS) marks at ang mga importer ng Import Commodity Clearance (ICC) bago maibenta ang mga materyales sa merkado. Ang certification measure na ito, ayon sa ahensiya, ay sapat na upang masiguro ang kaligtasan ng mga consumer safety.

“The DTI-BPS implements mandatory certification schemes for critical products and systems prior to its distribution and sale. Particular on mechanical/building and construction materials, the DTI-BPS regulates BI/GI steel pipes, blended hydraulic cement with pozzolan, Portland cement, pipes, uPVC rigid electrical conduit, PVC-U pipes for drain wastes and vent, sanitary wares, steel wires, finishing wire nails, deformed steel bars, equal-leg angle steel bars and rerolled steel bars,” wika ni Trade Undersecretary Ruth B. Castelo.

Sinabi ni DTI-BPS Director-in-Charge James E. Empeño na ang mga steel product para sa public infrastructure ay sumusunod din sa government standards.

“Among the 73 products and systems that we monitor are the steel products, namely, deformed steel bars, equal-leg angle steel bars, rerolled steel bars, which are integral components in the administration’s infrastructure development,” aniya.

Binigyang-diin ni Castelo na ang kaligtasan ng mga consumer ang prayoridad sa certification ng construction materials. Aniya, ang DTI-BPS ay nagkakaloob ng pinakamataas na kalidad ng materyales na ginagamit sa pagtatayo at pagkukumpuni ng mga bahay, opisina at iba pang government at private sector projects.

Ang PS at ICC marks ay nakalagay, aniya, sa tag na maingat na nakakabit sa bawat bundle ng steel bars.

Ang infrastructure program ng pamahalaan ay nalagay sa ‘hot water’ makaraang bumagsak ang isang flood control project sa kahabaan ng Pampanga River, dalawang araw bago ang nakatakda nitong pagtatapos.

Nangako ang mga contractor na Ferdstar Builders at DL Cervantes Construction na kukumpunihin ang flood control project na walang magagastos ang gobyerno. Sa initial assessment ng contractors, humina ang concrete base ng dingding dahil sa malakas na ulan.    ELIJAH FELICE ROSALES

Comments are closed.