ILANG araw matapos mabunyag ang umano’y pakikipag-alyansa ni Leni Robredo sa mga teroristang grupo ng CPP-NPA ay nagkakaisa namang nagpahayag ng suporta ang mahigit 100 dating matataas na opisyal ng militar at pulisya para sa kandidatura ng nangungunang presidential candidate na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Pito sa mga ito ay dating hepe ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard; siyam na Medal of Valor awardees, pitong dating service commanders at 100 retired generals at senior officers.
Ang manifesto of support ay pirmado mismo ng mga dating opisyal.
Sinabi ng grupo na malaki ang kanilang paniniwala na magkakaroon ng tunay at maayos na reporma ang bansa, partikular na sa hanay ng kapulisan at pulisya.
Nanawagan din ang mga dating opisyal sa taumbayan na maging mapagmatyag at bantayang maigi ang inaabangang May 9, 2022 elections upang masiguro na maging malinis at mapayapa ito.
Higit lalo anila na nalalantad na sa madla ngayon ang sabwatan ng Robredo-NPA na malaking panganib para masabotahe ang halalan.
“For the future of our country, of our children and our children’s children, it is incumbent upon all sectors of our society to rally behind and support whoever is chosen by our people through free, fair and honest elections,” anang grupo.
“It is our Constitutional duty as citizens of the Republic to resist any and all efforts to subvert the democratic will of our people,” sabi pa sa manifesto.
Tiniyak ng mga ito na sakaling ideklara ng pangulo ng bansa si Marcos ay susuportahan nila ito para sa ikagaganda ng bayan.
“Should our people choose Sen. Marcos as our next president in the elections on May 9th, we commit to him our full support for unity, peace, progress — and we call on all to do the same so that he can fulfill the sovereign will of the Filipino people, and of God,” sabi pa nila.
Kabilang sa mga kilalang personalidad na pumirma sa manifesto ay sina dating AFP chiefs Generals Roy Cimatu, Benjamin Defensor Jr., Dionisio Santiago at Felimon Santos. Gayundin si dating PNP chief Gen. Avelino Razon Jr., dating PCG chiefs Admiral Damian Carlos at Admiral Danilo Abinoja at marami pang iba.
Ang mga Medal of Valor awardee na pumirma at nagpahayag din ng suporta kay Marcos ay sina dating Col. Ariel Querubin, Noel Buan, Roberto Salvador, Hilario Estrella, Bienvenido Fajemolin, Leopoldo Diokno, Lucio Curig, Roy Cuenca at Francisco Granpil.
“We, all former senior military and police officers and servant-warriors of the sovereign Filipino people express our full support for the candidacy of former Senator Ferdinand Marcos Jr. as president of the Republic of the Philippines,” sabi pa sa kanilang manifesto.
“We invite everyone to rally around Senator Marcos as the best candidate to initiate true and genuine reforms in the institutions of our country, foster national healing and unity, and most of all, provide the support for the vast majority of our people who are most dependent on the service of the national government,” pagbibigay-diin pa sa kanilang manifesto.