NAGSIMULA nang patatagin ni dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang kanyang ‘political stocks’ sa gitna ng naging resulta ng pre-election surveys kung saan pumangalawa siya sa mga pinili sa 15 presidentiables.
Bagama’t maraming influential politicians at political alliances ang humihikayat sa dating senador na sumabak sa presidential race
sa susunod na taon, si Marcos, na hiniling na tawagin lamang siyang “citizen Bongbong”, ay hindi pa opisyal na nagdedeklara kung anong posisyon ang kanyang tatakbuhan sa darating na 2022 polls.
Gayunman, binigyang-diin niya sa isang panayam na ikokonsidera lamang niya ang pagtakbo sa pagka-pangulo sa 2022 election “if there is a developing critical mass behind my candidacy.”
“If there is enough support for me… and if there are candidates, from vice presidents and senators down to congressmen and local government bets that will support and run alongside with me… then I might consider vying for the presidency,” sabi ng dating senador.
Ayon kay Marcos, ang kanyang mataas na rating sa pinakahuling pre-poll surveys ay dahil sa pagtitiwala at kumpiyansa ng voting public sa kanyang pangalan at track record bilang public servant.
Sa isang panayam, inanunsiyo
ng dating senador ang kanyang plano na umikot sa kanyang grassroots supporters para i-validate kung totoo ang mataas na rating niya sa pinakahuling surveys.
Inilabas ng OCTA Research kamakalawa ang resulta ng survey nito para sa
presidency kung saan pumangalawa si Marcos na may 14 percent preference ss 15 presidentiables.
Sa mga naunang surveys ng Pulse Asia at Publicos Asia, Inc. ay pumangalawa rin ang dating senador kay presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte.
Noon namang nakaraang buwan ay isang alyansa ng strong political leaders sa mga lalawigan ng northern Luzon ang nangako ng suporta para kay Marcos kasabay ng paghikayat sa kanya na tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022.
Sa pangunguna nina League of municipalities president at Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson at Isabela Gov. Rodito Albano, dose-dosenang kongresista at elected local government officials na bumubuo sa tinatawag na Solid North ang nakipagpulong sa dating senador sa isang pre-SONA merienda na inayos ng kanyang kapatid na si Sen. Imee Marcos.
135997 606802Excellent post, Im looking forward to hear a lot more from you!! 40488
371167 819474quite good post, i surely adore this site, go on it 973576